Kim Chiu recounts when sister Lakam fell into a coma: “Pinapapirma na ako…”

Kim Chiu: “Sabi ng doctor hopeless na…”

Lakam Chiu and Kim Chiu
Actress-host Kim Chiu (right) recounts being told by the doctor that sister Lakam’s (left) condition is hopeless after falling into a coma in 2023 (inset).

Binalikan ni Kim Chiu nang ma-comatose ang nakatatanda niyang kapatid na si Lakam Chiu noong 2023.

Unang beses na nagsalita sina Kim at Lakam tungkol sa life-changing moment na ito ng kanilang buhay sa YouTube interview ni Dra. Vicki Belo na lumabas nitong March 16, 2024

Ayon kay Dra. Belo, “naloka” si Kim nang magkasakit si Lakam, na itinuturing ngayong isang “walking miracle.”

Bacterial meningitis ang diagnosis sa sakit ni Lakam. Pitong araw siyang na-comatose.

Pagbabalik-tanaw ni Kim, “Sabi ng doctor, hopeless na, ‘tas i-ready na raw yung self namin.”

Sumingit si Lakam at sinabing pinapapirma na si Kim noon ng “DNR order.”

Hindi tinukoy ni Kim kung ano ang pinapapirma sa kanya, pero sinabi ni Dra. Belo na ito ang “do-not-resuscitate (DNR) effect.”

Ang DNR o minsan ay tinatawag na “do not attempt resuscitation” “is a request not to have cardiopulmonary resuscitation (CPR) if your heart stops or if you stop breathing,” ayon sa The Medical City website.

Sabi pa rito, “A DNR is usually discussed by the health care team with the relatives of patients without other advance directives in situations like: a comatose patient, persistent vegetative state, and brain death.”

Lakam Chiu, Kim Chiu, Vicki Belo

Kim Chiu (center) and sister Lakam (left) talk about the ordeal that their family had to face last year, when Lakam went into a coma for a week.

Pagsegunda ni Kim, “Pinapapirma na ako na, anytime, puwede na itong mamatay.”

Ikina-shock daw ito ni Kim.

“Gumuho yung mundo ko. Hindi ako nakapasok talaga sa work. Nahirapan ako,” lahad ng actress-host.