
Singer-actress Rita Daniela files acts of lasciviousness complaint against former Widows’ War co-star Archie Alemania in Bacoor City Prosecutor’s Office.
PHOTO/S: Instagram
Nagsampa ng reklamong acts of lasciviousness ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela laban sa aktor na si Archie Alemania.
Pormal na isinumite ni Rita ang kanyang reklamo sa Office of the Prosecutor ng Bacoor City ngayong Miyerkules ng umaga, October 30, 2024.
Sa Bacoor nakatira si Rita kaya doon siya nagsampa ng reklamo.
Magkasama sina Rita at Archie sa Kapuso primetime series na Widow’s’ War, pero wala na rito ang aktor.

Rita Daniela files her complaint affidavit at the Bacoor Prosecutor’s Office on October 30, 2024.
Photo/s: GMA Network
Ayon kay Rita, halatang lasing na si Archie pagdating niya sa thanksgiving party,
Nag-comment daw ang aktor ng “Naku, Rita, huwag ka lumapit sa akin, napaka-F*CK*BLE mo tonight ah!”
Hindi na raw siya naging kumportable sa komentong iyon ni Archie.
Pero nung nag-duet sila ni Royce Cabrera, matapos mahilingan ni Bea na kumanta sila, sumigaw daw si Archie ng “Brad tirahin mo na yan! Tang-ina Royce, tirahin mo na yan!”
Hindi na lang daw ito pinansin ni Rita, dahil sa tingin niya ay dala lang ito ng kalasingan ng aktor. Pero sinita na raw ni Bea si Archie nung oras na yun.
Base sa affidavit na isinumite ni Rita, bandang 2:30 ng madaling-araw ng September 9, nag-book na raw ang singer-actress ng Grab car pauwi.
Sinamahan pa raw siya ni Ms. Redgynn Alba, ang senior program manager ng Widows’ War, para hintayin ang Grab car.
Lahad ni Rita sa kanyang affidavit: “Suddenly, a white SUV stopped in front of us and when the window rolled down I was surprised to see the Respondent (Archie Alemania) inside it, saying ‘Tara na, sumakay ka na, ihatid na kita.
“That I initially refused his offer since the Grab ride was already on its way but Respondent insisted by saying, ‘Ano ka ba sobrang late na. Ma-rape pa ng Grab driver. Icancel mo na yan!’
“Thinking that he was already sober and that he went back to his being an elder brother who could safely take me home. I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride.”
Nang nasa sasakyan na raw sila, at habang binabaybay nila ang Cavitex, nagsimula na raw siyang hawakan ni Archie sa leeg at balikat. Pilit daw niya itong iniiwasan.
Pero ang pinakamalala raw ay nung nakarating na sila sa bahay ni Rita.
Bago bumaba ang singer-actress sa SUV ni Archie ay humingi raw ng kiss sa kanya ang aktor. Pero pinilit daw siyang halikan nito.
Lahad ni Rita sa kanyang sworn affidavit: “However, this did not deter the Respondent (Archie Alemania), instead he forcibly got hold of my head and locked it with his grip and gave me a torrid kiss on the lips with his tongue out trying to put it inside my mouth.
“Feeling sexually violated, I pushed the Respondent with all my might while shouting at him to stop. I struggled several times but he did not stop on brushing his lips on mine against my will.”
Bumulong pa raw si Archie sa kanya ng “Pa-booking naman sige na.”
Hindi pa raw umalis si Archie sa tapat ng bahay niya, kaya nag-text na raw siya sa aktor na umalis na dahil nakakaabala na ito sa mga kapitbahay, gawa ng tumatahol na ang mga aso.
Kinabukasan ng hapon, September 10, ay nag-text daw si Archie sa kanya upang mag-sorry sa kanyang inasal dahil lasing na raw ito.
Ini-report daw ni Rita sa GMA management ang insidente, at ni-request na tanggalin si Archie sa Widows’ War dahil sa trauma na inabot nito sa ginawa umano sa kanya ng aktor.
Naka-attach din sa affidavit ang missed calls ni Archie sa kanya at ang text message nitong nag-sorry sa kanyang ginawa.
Nagpadala ng mensahe ang PEP Troika sa executive producer ng Widows’ War para hingan ng pahayag kaugnay dito. Pero wala pang natatanggap na sagot ang PEP Troika, at this writing.
Nagpadala na rin ang PEP Troika ng mensahe kay Archie Alemania para makahingi ng pahayag, pero hindi pa siya sumasagot.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load