Alamin dito kung ano ang masasabi ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa ilang mga eksena niya sa pelikulang ‘Balota.’
Binalikan at nag-react ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa ilang iconic scenes ng karakter niyang si Teacher Emmy sa pelikulang Balota.
Sa video na in-upload ng GMA Pictures at GMA Network sa social media, nagkuwento ang award-winning actress tungkol sa kanyang mga challenging na eksena sa pelikula.
Isa na rito ay ang kanyang scene kung saan umakyat siya sa isang puno.
“’Yung araw na ‘yan na umaakyat ako sa puno, hindi ako nagpapahalata sa kanila pero lahat sila tinatanong nila kung okay ako kasi sa totoo lang sobrang taas niya. At the same time, umaakyat talaga ako nang sarili ko lang tapos iniwan nila ako sa may puno tapos sabi nila, ‘Out na lahat.’
“So lahat ng koneksyon ko para makababa at ‘yung comfort ko na magiging safe ako dahil may mga gano’n, tinanggal nila lahat sa eksena,” pagbabahagi niya.
Kuwento pa ni Marian, ramdam na ramdam niya ang eksenang iyon kung saan hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kanyang luha sa takot.
Aniya, “So doon sa eksena, nagamit ko ‘yung emotion ko kasi takot na takot talaga ako. Nakahawak ako, nanginginig talaga ako doon sa puno. Binigay pa sa akin ‘yung mabigat na balota, naka-fold pa ‘yung paa ko doon, nakapatong, tapos hindi ako pwedeng gumalaw, naka-gano’n ako.
“So nanginginig talaga ako no’n hanggang sa nagamit ko talaga siya sa eksena na hindi ko namamalayan tumutulo na ‘yung luha ko sa takot. Nagamit ko ‘yung buong eksena at emotion na ‘yan d’yan sa pag-akyat sa puno na ‘yan.”
Ano kaya ang masasabi ni Marian sa iba pa niyang mga eksena sa Balota? Alamin sa video na ito.
Samantala, thankful ang renowned actress sa patuloy na pagsuporta ng mga manonood sa Balota.
“Lubos na pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nanonood, at manonood pa ng Balota,” sabi ni Marian sa panayam sa kanya ng GMA Integrated News kamakailan.
Napapanood ang pelikulang Balota in cinemas nationwide.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load