Marian Rivera tells behind-the-scenes stories in ‘Balota’: ‘Tumutulo na ‘yung luha ko sa takot’ (nuna)

Alamin dito kung ano ang masasabi ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa ilang mga eksena niya sa pelikulang ‘Balota.’

Binalikan at nag-react ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa ilang iconic scenes ng karakter niyang si Teacher Emmy sa pelikulang Balota.

Sa video na in-upload ng GMA Pictures at GMA Network sa social media, nagkuwento ang award-winning actress tungkol sa kanyang mga challenging na eksena sa pelikula.

Isa na rito ay ang kanyang scene kung saan umakyat siya sa isang puno.

“’Yung araw na ‘yan na umaakyat ako sa puno, hindi ako nagpapahalata sa kanila pero lahat sila tinatanong nila kung okay ako kasi sa totoo lang sobrang taas niya. At the same time, umaakyat talaga ako nang sarili ko lang tapos iniwan nila ako sa may puno tapos sabi nila, ‘Out na lahat.’

“So lahat ng koneksyon ko para makababa at ‘yung comfort ko na magiging safe ako dahil may mga gano’n, tinanggal nila lahat sa eksena,” pagbabahagi niya.

Kuwento pa ni Marian, ramdam na ramdam niya ang eksenang iyon kung saan hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kanyang luha sa takot.

Aniya, “So doon sa eksena, nagamit ko ‘yung emotion ko kasi takot na takot talaga ako. Nakahawak ako, nanginginig talaga ako doon sa puno. Binigay pa sa akin ‘yung mabigat na balota, naka-fold pa ‘yung paa ko doon, nakapatong, tapos hindi ako pwedeng gumalaw, naka-gano’n ako.

“So nanginginig talaga ako no’n hanggang sa nagamit ko talaga siya sa eksena na hindi ko namamalayan tumutulo na ‘yung luha ko sa takot. Nagamit ko ‘yung buong eksena at emotion na ‘yan d’yan sa pag-akyat sa puno na ‘yan.”

Ano kaya ang masasabi ni Marian sa iba pa niyang mga eksena sa Balota? Alamin sa video na ito.

Samantala, thankful ang renowned actress sa patuloy na pagsuporta ng mga manonood sa Balota.

“Lubos na pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nanonood, at manonood pa ng Balota,” sabi ni Marian sa panayam sa kanya ng GMA Integrated News kamakailan.

Napapanood ang pelikulang Balota in cinemas nationwide.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News