![]()
PHOTOS: @chinitaprincess
Dahil breakup nila ni Xian Lim few months ago, mas gusto na lang daw ni Kim Chiu na mag-enjoy na lang sa buhay at hindi na muna mag-e-expect sa kung ano pa man. “Ako kasi, ayoko na ng too much expectations on what will happen sa buhay ko in the next six months or in the next years to come. Gusto ko na lang mag-enjoy,” lahad n’ya.
Wala raw pinagsisihan ang actress-TV host na si Kim Chiu sa naging relasyon nila ng aktor na si Xian Lim.
Inilahad n’ya ’yan sa recent one-on-one interview sa kanya ni Dra. Vicki Belo sa vlog entry nito na in-upload sa YouTube.
Kinumusta kasi ng celebrity doctor ang status ng kanyang puso few months after ng hiwalayan nila ni Xian Lim.
“Ang puso? It’s a little empty. Empty!?” natatawang sagot ni Kim.
Pero tanggap na raw n’ya ang nangyari na sadyang parte daw ng buhay.
“Okey naman. It’s ano naman, part of life and part of growing up,” she shared.
Natanong din s’ya kung ano ang pinakadahilan ng breakup nila pero tumanggi si Kim na idetalye ito. Sa halip, sinabi n’yang mutual decision nila ni Xian na tapusin ang kanilang 11-year relationship.
“Wala naman. Baka magalit s’ya. Ano lang, common understanding namin, mutual decision to end things and to move on with our lives,” saad n’ya.
Aminado ang aktres na hindi rin naging madali sa kanya ang mga nangyari pero tinanggap na n’ya ito, eventually.
“Medyo mahirap s’ya. You just have to accept siguro ’yong mga bagay na wala kang control and you cannot push yourself sa isang bagay,” pagpapakatotoo n’ya.
Tila nakulangan naman si Dra. Vicki kung kaya’t diretsahan n’yang tinanong si Kim kung may kinalaman ba sa breakup nila ang usapin ng kasal.
Ito kasi ang naging haka-haka ng netizens, na hindi pa umano ready mag-settle down ang aktor kahit na more than 10 years na silang magkasintahan ni Kim.
Ayon sa It’s Showtime co-host, never daw n’yang tinanong si Xian tungkol sa bagay na ito. Pero sumagi rin umano ito sa isip n’ya.
“Iniiisip ko. It’s one of the reasons of so many reasons. Hindi naman s’ya big factor. Pero s’yempre, as we grow old, iisipin mo rin ’yon,” pag-amin ng Kapamilya actress.
Hindi man direkta, nausisa rin s’ya ni Dra. Vicki kung nararamdaman ba n’ya kapag nawalan ng interest sa kanya ang “isang guy?”
“Parang…yes,” sagot ni Kim.
Pero sinikap naman daw niyang gawin ang kanyang part para maisaayos ang kanilang relasyon.
“Ganu’n naman, ’di ba, Doc? Parang kailangan i-work on mo pa hanggang sa… Ako talaga, I’m the type of person na I want to do all out so that wala akong regrets,” pagbabahagi n’ya.
At sa pagkakakilala umano ng aktres sa kanyang sarili, mahaba raw ang kanyang pasenya.
“Ako, ang haba ng pasensya ko. And I give my 100 percent para in the end wala akong pagsisihan…wala akong regrets, just lesson learned,” saad n’ya.
Samantala, wala raw s’yang clue na nali-link na umano ngayon si Xian sa iba. Na-open kasi ni Dra. Vicki ang tungkol dito, na napapabalitang may iba nang idini-date ang ex-boyfriend n’ya.
“Hala, hindi ko alam, Doc. Wala akong idea,” ani Kim.
Dahil sa kanyang pinagdaanan, mas gusto na lang daw n’ya mag-enjoy na lang sa buhay at hindi na muna mag-e-expect sa kung ano pa man.
“Ako kasi, ayoko na ng too much expectations on what will happen sa buhay ko in the next six months or in the next years to come. Gusto ko na lang mag-enjoy,” lahad ni Kim.
Naniniwala raw kasi s’ya na naiplano na ng Itaas ang lahat nang mangyayari sa buhay n’ya.
“Sa buhay natin, naplano na itong lahat ni God, e. Parang everything doesn’t happen by chance. Parang it was written already before we were born,” aniya.
“Di ba, parang ganu’n s’ya, ganu’n ang paniniwala ko na ‘Ah, hindi pa siguro s’ya time for me. Hindi pa siguro s’ya ’yong para sa akin,’” she added.
At nang matanong naman s’ya kung single ba ngayon ang katambal n’yang si Paulo Avelino ay napangiti na lang ang tinguriang Chinita Princess.
“Hindi ko din alam,” natatawang sagot n’ya.
Pahabol pa ng aktres, “Watch na lang sila ng What’s Wrong With Secretary Kim?”
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load