
Vice Ganda (right) apologizes via Twitter after many netizens called him out for “disrespecting” and “unfair treatment” of Karylle on It’s Showtime this Thusday, February 2, 2023.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment
Tinanggap ni Vice Ganda ang kanyang pagkakamali kaugnay ng pinag-uusapang pambabara umano niya sa kapwa original It’s Showtime co-host na si Karylle.
Tweet ni Vice nitong Huwebes ng gabi, February 2, 2022: “Oh so i am being called out. Yes i acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again.
“Bawi po ako. Bawi right away.”

Nag-tweet si Vice kasunod ng pagpuna sa kanya ng netizens kaugnay ng naging interaksiyon nila ni Karylle sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime kahapon.
Naging trending topic sina Vice at Karylle.
Ang pinag-usapang eksena ay nangyari sa videoke session sa unang gap ng noontime show.
Base sa tweets, lumalabas na pinupuna ng netizens si Vice dahil sa mga sagot nito kay Karylle na hirap daw makasabay sa jokes ni Vice at ng iba pang co-hosts.
Ang simpatiya ng netizens ay kay Karylle dahil hindi raw nito deserve kung paano siya sagutin ni Vice.
Sabi ng netizens “disrespected” at “unfair treatment” ang natatanggap ni Karylle mula kay Vice.
Read: Netizens call out Vice Ganda for “disrespecting” Karylle on It’s Showtime
THE issue involving vice ganda, karylle
Ang kumalat na video clip ay tungkol sa sagutan nina Vice at Karylle nitong Huwebes.
Bago sumalang ang grupo ni Vice sa kanilang videoke song, sumingit muna si Karylle.
Sinabihan niya si Vice ukol sa nakaraang episode kung saan ang parte dapat ng co-host nilang si Vhong Navarro ay ibinigay raw ni Vice sa ibang host.
Ganito ang naging palitan ng pahayag nina Karylle at Vice:
Karylle: “Vice, may request si Vhongskie. Kasi last time nagre-rehearse siya sa umaga, tapos binigay mo sa iba yung kanta niya.”
Vice: “Anong problema natin, Karylle?”
Karylle: “Hindi, natatawa lang kami kasi isang buwan, pinraktis daw niya.”
Vice to Vhong: “O, e, di sana kinanta mo.”
Karylle: “Sa bawat sulok daw ng bahay niya pinraktis niya.”
Vice: “O, okay na yan, Karylle.”
Natawa si Karylle at ang iba pang hosts.
Minasama ng netizens, lalo ang supporters ni Karylle, ang paraan ng pagsagot ni Vice kay Karylle.
May tumawag pa ngang “bastos” kay Vice kung paano nito sagutin si Karylle.
Pero bago ang birong iyon, may nauna pang naging biruan sina Vice at Karylle.
Earlier sa gap na iyon, pinag-usapan ang paksa tungkol sa “natatalsikan sa mukha” na iniugnay sa pagluluto ni Vice.
Tinanong ni Vice sina Amy Perez at Ogie Alcasid kung naranasan na nilang “matalsikan.”
Tinanong din ni Vice si Karylle, na wholesome ang sagot na hindi pa raw siya “natalsikan” sa pagluluto.
Sundot ni Vice kay Karylle,“Naranasan mo na ba yung mabugahan sa mukha?”
Wholesome na sagot muli ni Karylle, “Yung hatsing talaga? Hindi naman, awa ng Diyos.”
Sabi ni Vice, “O tapos tayo, Karylle.”
Natawa ang ilang hosts.
“Tapos [ang usapan]. Maganda. O, di, tapos yung isyu, di ba?
“Ayus tayo dun, Karylle,” ani Vice at nakipag-hi-five kay Karylle.
Makahulugan pang sabi ni Vice, “Si Karylle, minsan mo na lang kakausapin di pa niya malaman kung ano talaga. ‘Paano ba ako sasali?’”
“Seryoso si K, kasi,” tila pagtatanggol ni Vhong kay Karylle.

Marahil ito ang nag-build up ng emosyon ng fans ni Karylle kaya napa-react sila sa sumunod na interaksiyon kung saan sinabihan ni Karylle si Vice ukol sa part ni Vhong sa kantang ibinigay ni Vice sa ibang host.
Para sa regular viewers ng It’s Showtime, ang ganitong komedya ni Vice ay ginagawa rin niya sa iba pang hosts, tulad kina Vhong at Jhong Hilario.
Pero hindi rin naman ito ang unang beses na pinuna si Vice sa kanyang brand of comedy sa noontime show.
KARYLLE GETS SUPPORT from kim atienza, dawn chang
Bukod sa kanyang supporters, nakahanap din ng kakampi si Karylle sa kanyang fellow celebrities, partikular kina Kim Atienza at Dawn Chang.
Sina Kim at Dawn ay dating regular members ng noontime show—si Kim bilang host at si Dawn bilang member ng GirlTrends.
Tweet ni Kim: “@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle.”
Tweet naman ni Dawn: Love you ate @anakarylle You are indeed a very nice person. Probably the nicest person I know in Showbiz. I will always cheer for you. [heart emoji]”


News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load