Kim Chiu says moving on is easier if there is acceptance

Kim Chiu sheds tears while talking about moving on. “Lahat naman ng nangyayari sa buhay natin is written.”
Hindi napigilan ni Kim Chiu na maiyak habang nagsasalita tungkol sa pagmu-move on kapag nawala ang isang taong minamahal.
Sabi ni Kim, naniniwala siyang anumang pangyayari sa buhay ng isang tao ay itinakdang mangyari.
Naglabas ng kanyang saloobin si Kim sa “Expecially for You” segment ng It’s Showtime ngayong Valentine’s Day, February 14, 2024, Miyerkules.
Ang searcher ay si Fe, isang babaeng pinagtaksilan noon ng asawa para sa ibang babae.
Nagkahiwalay sila, pero nagkabalikan matapos ang pitong taon.
Sinabi ni Fe na tinanggap niya ang mister para sa kanilang mga anak at dahil mahal pa niya ito.
Pero nagkaroon ng chronic kidney disease ang asawa at sa pangalawang pagkakataon ay iniwan siya nito. Pumanaw ang kanyang mister noong pandemic.
Naniniwala si Fe na kaya nagkahiwalay sila noong unang beses ay para maging matibay siya sa pangalawang beses na paglisan ng asawa.
Umantig ang kuwentong ito sa mga host, kabilang na si Kim.
Sa puntong iyon, nagsalita si Vice Ganda tungkol sa hirap ng pagmu-move on kapag naiwan ng minamahal.
“Ang hirap. Pinipilit mong mag-move on pero kahit saan ka magpunta, kahit anong gawin mo, nakikita at nararamdaman mo siya,” sabi ni Vice.
Sa puntong iyon ay nagsalita si Kim. Bakas ang bigat sa dibdib ni Kim habang nagsasalita kaya bigla na lamang siyang naiyak.
Binanggit ni Kim na mas magiging madali ang pagmu-move on kapag tinanggap ng tao na ang anumang pangyayari sa ating buhay ay nakatakdang mangyayari.
Sabi ni Kim, “Tsaka lahat ng nangyayari sa buhay natin, di naman yon by chance or by accident.”
Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Kim ang pag-iyak at bumuhos na ang kanyang luha.
“Lahat naman ng nangyayari sa buhay natin is written. Ginawa na yon bago pa man tayo pinanganak,” sabi pa niya.
Naniniwala raw sa Kim na lapag ganito ang pag-iisip ng isang tao, “mas madaling tanggapin ang lahat ng bagay.”
Pagpapatuloy ni Kim, kahit nawala ang mister ni Fe sa pangalawang beses ay nakatulong naman ito para maging mas matatag siya.
Paliwanag ni Kim, “So, parang lahat ng nangyayari sa bawat tao, like si Mommy Fe, hindi naman nangyari ang paghihiwalay nila by accident.
“Sadyang itinadhana yon and then binalik sa kanya, and then tinanggal uli sa kanya, and that made her strong.”

Pagsegunda ni Vice kay Kim, “And hopefully ma-realize natin yon kung bakit yun nangyari. Eventually, ma-realize nating lahat.”
May mga mapagmasid na netizens na nakapansin sa pag-iyak ni Kim dahil sa usaping moving on.
Ang iba, nagkomento ukol sa recent breakup ni Kim sa kasintahang si Xian Lim.
Noong December 23, 2023 ay kinumpirma nina Kim at Xian ang kanilang paghihiwalay matapos ang di mamatay-matay na isyung hiwalay na sila.
Pero may iba namang pinanggagalingan ni Kim katulad ng usaping pamilya, lalo pa at wala naman siyang specific na taong tinukoy.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load