Aljur Abrenica to AJ Raval: “I’m so grateful to have you by my side.”

Aljur Abrenica writes touching message for girlfriend AJ Raval: “Thank you for embracing every part of me. Your unconditional love reminds me every day that being myself is enough.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Aljur Abrenica para sa kasintahang si AJ Raval sa Instagram kahapon, October 4, 2024.
Wala namang masasabing espesyal na okasyon dahil dumaan na ang kanilang anibersaryo.
Noong Setyembre 3 pa nagdiwang ng ika-24 kaarawan ang Vivamax star.
Read: AJ Raval shares sweet photos with boyfriend Aljur Abrenica
Sa mensahe, nagpapasalamat si Aljur sa girlfriend dahil sa pagtanggap nito sa kanya sa buhay nito.
Hindi rin daw matatawaran ang “unconditional love” ni AJ sa kanya.
May saliw ng kantang “Beautiful Things” ng American singer at songwriter na si Benson Boone ang post.
Buong mensahe niya, “Thank you for embracing every part of me. Your unconditional love reminds me every day that being myself is enough.
“I’m so grateful to have you by my side, celebrating our beautiful journey together”
May mga netizens namang nagsasabing baka iwanan din ni Aljur si AJ, katulad ng pag-iwan nito sa asawang si Kylie Padilla at sa dalawa nilang anak.

May mga nagtanggol din naman sa dalawa.

AJ RAVAL CONFIDENT IN HER RELATIONSHIP WITH ALJUR ABRENICA
Nitong nakaraang August 29, 2024, sa panayam ni AJ sa YouTube vlog ni Julius Babao, kumpiyansa ang aktres na hindi siya lolokohin at iiwanan ng boyfriend na si Aljur.
Dahil sa nakaraan ng kanilang pamilya, naitanong ni Julius kay AJ kung ano ang kanyang mararamdaman kung sakaling mangyari ito sa relasyon nila ni Aljur.
Tinatayang labinwalo (18) ang anak ng ama ni AJ na si Jeric Raval sa iba’t ibang babae.
Tanong ni Julius, “Paano kung si Aljur, e, ganun din ang gawin, sa ginawa ng tatay mo? Paano kung mabalitaan mo si Aljur may ano [ibang babae]?”
Ayon kay AJ, kung sakali man mangyari ito ay wala siyang ibang sisisihin kundi ang kanyang sarili.
Aniya, “Siguro kung dumating sa point na ganun, siguro sisisihin ko yung sarili ko.
“Siyempre… kung naging maayos ba akong partner, naging ano ba ako, nagger, nasuportahan ko ba siya noong time na down siya?”
Ganunpaman, tiwala raw si AJ na hindi siya kayang saktan at ipagpalit ni Aljur dahil nakikita at nararamdaman daw niyang mahal na mahal siya nito.
Aniya pa, “Pero ngayon, confident ako na hindi niya gagawin sa akin yun, kasi maganda yung dynamics namin ngayon, e.”
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load