Vice Ganda Sinagot Ang ‘Open Letter’ ng Isang Guro!

Naging mainit na usapin sa mundo ng social media ang binitawang pahayag ni Vice Ganda bilang YorMeme sa isang segment ng It’s Showtime. 

Umani ng samu’t-saring reaksyon at komento mula sa mga guro ang ipinahayag ni Vice Ganda patungkol sa pagtatawag ng guro sa kanyang mga studyante sa tuwing may class recitation.

Ayon kay Vice Ganda, isang uri ng pamamahiya ang ginagawa ng isang guro sa tuwing nagtatawag ito ng studyanteng hindi makasagot sa class recitation.

Base sa inilabas na open letter ng isang guro, inilahad niya ang pagkakamali ng host at sinabing dapat itong magresearch bago magbitiw ng ganoong uri ng mga pahayag.

“Calling students who are not raising their hands is never wrong and never will be. Let me tell you Vice, there is a technique called ‘Cold Calling’,” bahagi ng open letter ng nasabing teacher.

Tila nakarating namang kaagad ito kay Meme Vice at kaagad din namang sinagot ng host.

Ayon kay Vice Ganda, hindi dapat siniseryoso ang kanyang mga sinasabi bilang YorMeme dahil isa lamang itong Running Joke na puro walang kabuluhan ang pinagsasabi.

“Tama naman po ang karamihan sa mga sinabi ninyo. Matalino po ang pagkakalahad ninyo ng mga argumento ninyo. Mukhang alam na alam po ninyo ang mga sinasabi ninyo. Hanga po ako,” saad ni Vice Ganda.

 

“Yun nga lang po at baka hindi n’yo alam na ang ‘Yormeme’ ay isang RUNNING JOKE! Lahat po ng sinasabi ni Yormeme ay mali. Si Yormeme ay isang huwad at magnanakaw na pulitiko. Isa s’yang maling tao.”

“Sana po’y di n’yo siya sineryoso. Kahanga-hanga po ang matalino at maalam. Pero ok din po ang may sense of humor paminsan-minsan,” dagdag pa ni Vice Ganda sa kanyang tweet.