SHOCK: Sinagot ni Vice Ganda ang ginawa ng isang guro, at tinawag itong isang uri ng insulto./hi - News

SHOCK: Sinagot ni Vice Ganda ang ginawa ng isang g...

SHOCK: Sinagot ni Vice Ganda ang ginawa ng isang guro, at tinawag itong isang uri ng insulto./hi

Vice Ganda Sinagot Ang ‘Open Letter’ ng Isang Guro!

Naging mainit na usapin sa mundo ng social media ang binitawang pahayag ni Vice Ganda bilang YorMeme sa isang segment ng It’s Showtime. 

Umani ng samu’t-saring reaksyon at komento mula sa mga guro ang ipinahayag ni Vice Ganda patungkol sa pagtatawag ng guro sa kanyang mga studyante sa tuwing may class recitation.

Ayon kay Vice Ganda, isang uri ng pamamahiya ang ginagawa ng isang guro sa tuwing nagtatawag ito ng studyanteng hindi makasagot sa class recitation.

Base sa inilabas na open letter ng isang guro, inilahad niya ang pagkakamali ng host at sinabing dapat itong magresearch bago magbitiw ng ganoong uri ng mga pahayag.

“Calling students who are not raising their hands is never wrong and never will be. Let me tell you Vice, there is a technique called ‘Cold Calling’,” bahagi ng open letter ng nasabing teacher.

Tila nakarating namang kaagad ito kay Meme Vice at kaagad din namang sinagot ng host.

Ayon kay Vice Ganda, hindi dapat siniseryoso ang kanyang mga sinasabi bilang YorMeme dahil isa lamang itong Running Joke na puro walang kabuluhan ang pinagsasabi.

“Tama naman po ang karamihan sa mga sinabi ninyo. Matalino po ang pagkakalahad ninyo ng mga argumento ninyo. Mukhang alam na alam po ninyo ang mga sinasabi ninyo. Hanga po ako,” saad ni Vice Ganda.

 

“Yun nga lang po at baka hindi n’yo alam na ang ‘Yormeme’ ay isang RUNNING JOKE! Lahat po ng sinasabi ni Yormeme ay mali. Si Yormeme ay isang huwad at magnanakaw na pulitiko. Isa s’yang maling tao.”

“Sana po’y di n’yo siya sineryoso. Kahanga-hanga po ang matalino at maalam. Pero ok din po ang may sense of humor paminsan-minsan,” dagdag pa ni Vice Ganda sa kanyang tweet.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…