Joey, Keempee de Leon nagkaiyakan nang magkabati makalipas ang 5 taon
NAGKAIYAKAN ang mag-amang Joey de Leon at Keempee de Leon nang mabigyan ng pagkakataon na muling magkita, magkausap at magkaayos.
Lumuluhang naibahagi ni Keempee ang pagbabati nila ni Joey bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon pagkatapos ng presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang âPrinsesa ng City Jailâ.
Halos limang taon palang hindi nag-usap at nagkita ang mag-ama dahil sa pagkakaroon nila ng isyu, partikular noong bigla na lang siyang matanggal sa âEat Bulagaâ na umeere pa noon sa GMA taong 2015
Ayon sa aktor, talagang kinain niya ang kanyang pride at nagdesisyong puntahan si Joey sa studio ng âEat Bulagaâ para personal na batiin ng âHappy Fatherâs Dayâ ang kanyang tatay noong June 15, 2024.
âLast year lang ng Fatherâs Day, talagang sinadya ko talaga siya sa Eat Bulaga, na humility ba? Ako na yung nagpakumbaba?
Signal No. 2 up in parts of Batanes as Leon makes landfall in Taiwan
âAlthough alam ko may kasalanan din ako dahil magulang is magulang, e. Bali-baliktarin mo man yan. Kahit sino may kasalanan, magulang mo pa rin, e.
âMore than five years. Kasi na-depress din ako. Alam nâyo naman yun dahil sa work din, nawala tayo sa Bulaga. So, partly lahat yun talagang nag-pile up sa akin. Nagkulong ako sa bahay. Hindi ako lumalabas.
âHindi ako nagpakita sa pamilya ko. Kahit malapit kami ng ate ko (Chenee de Leon), hindi ako nagpapakita. Wala. As in walang connection,â pagbabahagi ni Keempee sa ilang miyembro ng media.
Talagang dinamdam ni Kimpoy ang pagkakatanggal niya sa âEat Bulagaâ taong 2016 nang hindi niya alam ang dahilan. Dahil dito, dumanas siya ng depresyon at naging madalas ang pag-I ng alak.
âDumating ako sa point na talagang yung galit ko sa trabaho, sa tao, yung mga nagtanggal sa akinâŚkasi I was left hanging, e.
âWala akong idea kung bakit ako nawala. Humihingi ako ng sagot, wala. So, nanduân talaga yung⌠yun talaga yung nag-down talaga sa akin,â aniya pa.
âUntil such time dumating naâŚkasi alam niyo naman, born-again Christian ako. So, yun yung realization. Sinarili ko muna yung buhay ko naâŚna-realize ko na pina-realize ng Diyos sa akin, âAno ba yung pagkakamali? Ano ba yung tamang ginawa mo?ââ sabi pa niya.
Ang isa sa realization niya, âKailangan tanggalin ko yung pride na yun. Kumbaga, yan yung isa sa pinakamakasalanang ugali ng tao na ayaw ng Diyos, e. So, tinanggal ko yun.
âKinain ko talaga yung pride ko, sabi ko, âLord, ako rin yung nahihirapan, e,ââ sey pa niya sa pagbabati nila ni Joey.
âSiyempre, may edad na rin si Daddy. So, ayokong mas mahirapan pa yung kalooban niya. Sabi ko, âIf itâs Your will.â Sabi ko, âGagawin ko ito for You, not for me and for my dad,ââ sabi pa ni Keempee.
Kasunod nito, naibahagi ng aktor ang pagpunta niya sa âEat Bulagaâ studio isang araw bago ang Fatherâs Day noong June 15, 2024. Grabe raw ang naramdaman niyang nerbiyos that time.
Kitang-kita raw niya ang pagkagulat ni Joey nang makita siya, âNilapitan ko. Niyakap ko siya. Sabi ko, âHappy Fatherâs Day.â Sabi ko, âSinadya lang talaga kita, e. Kasi, nandito lang ako sa area.ââ
âAlam mo yung reaksiyon ni Daddy? âOh, okay.â Parang hindi siya makapaniwala na nandoon ako. Kasi, four years, five years kami hindi nagkita.
âSabi niya, âOh, may promo ka ba dito? Baât nandito ka? May po-promote? âSabi ko, âSinadya lang talaga kita. Sabi ko, âHappy Fatherâs Day.â Tapos niyakap ko siya. Sabi ko, âWala, na-miss na kita.â
âSo, doon na lang. Wala na kami pinag-usapan na. Wala naman kami pinag-usapan na problema. Kaswal. Alam mo si Daddy, di ba? Daddy kasi ayaw niya ng problema. Gusto niya masaya lang lagi,â aniya pa.
âSo, nanduân ulit yung connection namin. Sabi ko, âAt least kahit paano, Lord, medyo okay, okay na.â Pero alam mo yung medyo⌠hindi painful yung pakiramdam mo. Kasi yung hindi ko pa masabi talagang âSorry, âDy.â So, hinayaan ko lang,â saad ng aktor.
After ilang months, muli raw silang nagkitang mag-ama sa birthday ng asawa nitong si Eileen Macapagal at dito na raw siya nakapag-sorry.
âFirst time kong makaapak ulit sa bahay niya sa Green Meadows. Parang outsider yung feeling ko, alam mo yun? Parang, sige, sabi ko, âBahala na!ââ sabi ni Kimpoy.
Pagpasok daw niya sa bahay, âTotal silence. Yumakap na lang ako sa Tita Eileen ko. Nag-sorry ako, sa kapatid ko, kapatid ko si Jocas, umiiyak. Sabi ko, âBaât ka umiiyak?â Sabi niya, âTagal mo nawala, e.â
âSo, na-feel ko ulit na at home ako⌠na yung welcome ulit ako. So, yung forgiveness ng family, nanduân pa rin. So okay, lahat. Brothers ko, lahat,â dagdag niya.
Hanggang sa yayain daw siya ni Joey sa isang kuwarto ng kanilang bahay, at pagpasok nila roon, âInakbayan niya akong ganyan. Umiyak na ako.
âDoon na ako umiyak na talagang, parang bata, hagulgol ako, hagulgol. âSorry po.â Napa-po nga ako, e. âSorry po.â
âSabi ko, âDy, sorry sa lahat, patawarin mo ako.â Pati siya umiyak na rin, naghahagulgulan na kami. Doon ko naramdaman, sabi ko, âEto kami nung tatay ko. Ito yung relasyon namin talaga, yung close kami.â
âNaramdaman ko ulit yung father-and-son relationship. Sa akin, yung iyak ko is more of joy. And yung peace na nagkapatawaran kami.
âNaiyak ako lalo nuâng sabi niya, âHindi ko nga alam nasan ka? Kamusta ka? Kung ano bang kinakain mo? Ano nangyari? O anong pakiramdam mo?â
âMasaya lang ako. Naiiyak ako kasi masaya. Naging okay kami, lahat,â sey pa niya.
Hanggang sa nagkaiyakan na raw silang mag-ama, âSabi ko lang, âDy, mahal kita. Anumang mangyari, mahal kita. Sorry na lang talaga.â Yun na lang nasabi ko, sorry.â
âYung pagkakamali ko pinairal ko kasi talaga yung pride. So, may nagsabi lang sa akin na may mga bagay talaga tayong tanong na minsan walang sagot.
âSo, inisip ko na lang, parang graduation talaga. Okay na yon, napatawad ko na yun,â pahayag pa niya.
Samantala, excited na si Keempee sa pagsisimula ng bago niyang teleserye sa GMA, ang âPrinsesa ng City Jailâ na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Mapapanood na ang âPrinsesa ng City Jailâ simula sa January 13. Kasama rin dito sina Beauty Gonzalez, Dominic Ochoa, Denise Laurel, Jean Saburit, Ina Feleo at marami pang iba. Itoây mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng