
Kim Chiu (left) on Anne Curtis’s return to It’s Showtime: “Alam mo, lagi akong nagko-comment sa ‘yo sa IG stories for all your ganaps and everything. And I’m so happy na personal ko nang masasabi sa ‘yo na, ‘Ate Anne, you’re so amazing! Bongga! Ang cute! Ganyan!’ Ngayon, personal ko nang masasabi sa ‘yo with feelings and emotions and facial expressions, I’m so happy!”
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
Ikinatuwa ni Kim Chiu ang pagbabalik ni Anne Curtis bilang co-host ng It’s Showtime dahil magkakasama na sila nang personal sa isang programa.
On leave si Anne sa noontime show ng Kapamilya Channel dahil nasa Melbourne, Australia siya nang maging regular co-host si Kim ng It’s Showtime noong September 28, 2020.
Nang magkita sila kahapon, May 28, 2022, tuwang-tuwa at sobrang tinis ng boses ni Kim nang sabihin nitong, “Oh, yes, Ate Anne, we miss you so much!”
Komento si Anne, “Bumaba na ang boses ko. Ibinibigay ko na yung Tinis Trono kay Kim.”
Nagpasalamat si Kim kay Anne at nagkuwento tungkol sa madalas na pag-iiwan niya ng comments sa mga Instagram post ng aktres na mahigit dalawang taong hindi napanood sa It’s Showtime.
Mensahe ni Kim, “Thank you so much, Ate Anne. Alam mo, lagi akong nagko-comment sa ‘yo sa IG stories for all your ganaps and everything.
“And I’m so happy na personal ko nang masasabi sa ‘yo na, ‘Ate Anne, you’re so amazing! Bongga! Ang cute! Ganyan!’
“Best in comment ako sa IG story. Ngayon, personal ko nang masasabi sa ‘yo with feelings and emotions and facial expressions, I’m so happy!”
Sagot si Anne, “I am so excited. Meron pa akong isang paghuhugutan ng energy.”
Mabilis na reaksiyon ni Kim, “Yes, wala ka man mahugot sa akin about parenting, energy na lang!”
Malaki ang naging kontribusyon ni Kim sa It’s Showtime habang wala si Anne dahil marami ang naaliw sa pagiging kikay at mga nakakatawang hirit niya, pero hindi maiiwasang may mga taong ayaw sa kanya.
Naging unfair kay Kim ang bashers na nagsabing puwede na siyang umalis sa It’s Showtime dahil bumalik na si Anne.
Naging malupit din kay Kim ang ilang netizens na ikinukumpara siya kay Anne na hindi makatarungan dahil may kanya-kanya silang abilidad bilang mga aktres at television host.




Pero hindi naman nagpabaya ang mga tagahanga niyang todo ang pagtatanggol sa kanya.

News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load