Kim Chiu: “Installment na lang natin ang pagbigay ng love. Hindi yung buo.”

Kim Chiu (left) says “wala naman na po” about issue linking her to “EXpecially For You” searchee Oliver Moeller (right).
PHOTO/S: Arniel Serato / Rommel LLanes
Lagpas isang buwan nang hindi napag-uusapan ang pagli-link kay Kim Chiu sa dating searchee ng “EXpecially For You” na si Atty. Oliver Moeller.
Si Oliver ang contestant na napiling maging ka-date ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa special episode ng “EXpecially For You” sa unang araw ng pag-ere ng Kapamilya noontime show sa GMA-7 noong April 6, 2024.
KIM CHIU ON OLIVER MOELLER
Sa endorsement launch niya bilang ambassador ng BillEase sa Luxent Hotel, Quezon City, nitong nakaraang Martes, June 18, 2024, nausisa si Kim kung nagpaparamdam pa ba si Oliver sa kanya.
Nakangiti ngunit maiksing sagot nito, “Wala naman na po.”
So, hindi na nag-push through ito?
“Wala na po yun, opo,” sabi ni Kim.
Sa nasabing event, masasabing masaya si Kim kahit single siya ngayon.
Marami raw kasing endorsements at projects na dumarating sa kanya.
Nang tanungin kung ano ang “learnings” niya pagdating sa pag-ibig, birong sagot ni Kim, “Learnings? Installment na lang natin ang pagbigay ng love. Hindi yung buo, yes.”
KIM CHIU-OLIVER MOELLER TEASING
Noong naging searchee si Oliver sa “EXpecially For You” segment ng It’s Showtime, tinutukso na si Kim sa kapwa niya Cebuano.
Nakitaan din sila ni Vice Ganda ng chemistry.
Bukod kasi sa pareho silang single at successful ang career, parehas din silang taga-Cebu kaya, ayon sa netizens, hindi malabong magkapalagayan sila ng loob.
Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kay Oliver, diretsahan itong tinanong kung nililigawan na ba niya si Kim.

Photo/s: Courtesy: It’s Showtime on Facebook
Makahulugang sagot ng Cebu-based lawyer, “I don’t think it’s fair that I speak about that without Kim’s permission.
“So, I’m so sorry. I hope you understand. But Kim’s pretty nice.”
Mula noon ay wala nang napabalitang progress sa pag-uugnay sa kanilang dalawa.
Halos pitong buwan na rin kasing single si Kim matapos ang hiwalayan nila ni Xian Lim.
Iniuugnay naman ang kanyang pangalan ngayon kay Paulo Avelino, ang leading man niya sa What’s Wrong with Secretary Kim.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load