WATCH: Judy Ann Santos on why she became a co-producer of Espantaho: “Doing this was so…”

Judy Ann Santos talks about being co-producer of Espantaho
Judy Ann Santos: “Mas mahirap gawin ang horror.”
Judy Ann Santos thrilled of being Espantaho's co-producer
Judy Ann Santos on being Espantaho co-producer: “I think yung pagko-co-prod with Atty. Joji [Alonso not in photo], it was one of the best decisions I made apart from accepting this film.Hindi lamang bidang aktres si Judy Ann Santos sa pelikulang Espantaho kundi co-producer din siya ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films at ng Cineko Productions.

Kaya slight na umaasam siyang mas kumita ang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.

Saad ni Judy Ann, “Siyempre bilang co-producer ng pelikulang to, gusto ko box-office. Very, very light lang naman.”

May itinayo kasi silang kumpanya na Purple Bunny Productions.

Aniya, “Because we have company, yung isang company, yung dalawang companies kasi namin for food industry is Pink Pudding for Johan, Blue Buching for Lucho, Purple Bunny for Luna.

“So, sa kanilang tatlo nakapangalan talaga yun.

“Si Purple Bunny nagsimula for Judy Ann’s Kitchen, yung nag-resume ako this year.

“So we just wanted to try out na mag-venture sa ibang platforms naman.”

Co-producer na si Judy Ann sa pelikulang Ploning (2008), pero aksidente lamang daw kaya naging bahagi siya ng produksiyon.

Aniya, “Kinakailangan ko lang maglabas kasi kailangang ma-release yung trailer or else, hindi siya mailalabas.

“And then, pinangatawanan ko na siya. Tapos huminto muna ako kasi nga hindi ko talaga ng edad na yun, hindi mo pa gets ang latagan ng production.

“Tapos parang feeling ko hindi rin ako ready, hindi ko pinilit intindihin.

“So ngayon, parang feeling ngayon it’s just right na mag-explore naman kami ng ibang klaseng venture for us.

“Yung may matutunan, tingnan natin kung hanggang saan aabot.

“Kung hindi naman, then it’s okay. Ang importante, may experience.”

Kumusta naman ang experience niya bilang co-producer?

Pagbabahagi ni Judy Ann, “Kanina tinanong ako for being a co-producer. I think yung pagko-co-prod with Atty. Joji, it was one of the best decisions I made apart from accepting this film.

“Kasi nagugulat nga ako nang husto, napaka-honest niyang producer.

“Napaka…. ano niya, ang giving niya, yung hindi siya madamot sa natutunan niya.

“And feeling ko yun yung susi para maintindihan mo paano ba ang kalakaran sa industriyang ito.

“Kailangan may pusong bato ka pero dapat caring ka din sa mga crew mo, sa staff mo.

“So I’m looking at her, I’m observing her every time. Lagi siya nasa set.

“Magpupunta siya sa set, may dala siyang pagkain

“She makes it a point na mapuntahan niya lahat ng tents ng mga artista, nakipagkuwentuhan siya.

“And bibihira ang producer na ganun. Araw-araw mong nakikita sa set.

“Actually, ngayon ko lang na-experience na ang producer araw-araw pumupunta sa set.

“And then as an actor, you’ve been appreciated na may nakikinig sa yo yung producer.

“Tapos i-explain naman din niya kung puwede o hindi puwede.

“So, naging family talaga kami. Walang echos yun.”

Nakausap ng media, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Judy Ann sa grand presscon ng Espantaho sa Versailles Tent, Novotel Manila, noong December 9, 2024.
Judy Ann Santos with Espanto co-stars and directorJudy Ann Santos (second from right) with Espantaho co-stars Lorna Tolentino (leftmost) and Chanda Romero (rightmost), and director Chito Roño (second from left).

JUDY ANN SANTOS ON DOING HORROR

Akala ni Judy Ann, mahirap ang magpatawa noon sa romanctic movies niyang Kasal, Kasali, Kasalo (2006) at Sakal, Sakali, Saklolo (2007).

Pero mas nahirapan daw siyang manakot sa Espantaho.

Saad niya, “Na-realize ko after making this film, hindi lang pala comedy ang mahirap gawin.

“Mas mahirap gawin ang horror. Kasi kailangan mong mapakita ng takot nang hindi mo naman nakikita yung dapat mo makita.

“Imagination talaga ang gagalaw. After 10 years ako uli nakagawa ng horror. Hirap din naman ako sa Kulam [2008], yung Ouija [2007] kasi ensemble siya, e.

“Ang dami naming natatakot at saka iba rin naman ang latag pag bagets ang mga kasamahan.

“Meron ka kasi talagang actual na kasama.

“Ito talaga, wala, imahinasyon. Pero bago naman namin i-shoot yung eksena, sinasabi naman ni Direk [Chito] kung anong mangyayari.

“So, bahala ka lang kung paano mo buu-buuin yung eksenang yun sa utak mo.

“Basta sinabi ko ito yung nakikita mo. Ito yung magyayari.”

Ipapalabas ang Espantaho sa araw ng Kapaskuhan, December 25, bilang kahabagi ng 50th MMFF.

Espantaho poster
Bukod kay Judy Ann, bida rin sa pelikula sina Lorna Tolentino at Chanda Romero.

Kasama rin sa Espantaho sina Eugene Domingo, Janice de Belen, JC Santos, Tommy Abuel, Mon Confiado, Nico Antonio, Kian Co, at marami pang iba.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News