SHOCKING NEWS: Daniel Padilla on his alleged audio-video controversy: "keep it going...."/hi - News

SHOCKING NEWS: Daniel Padilla on his alleged audio...

SHOCKING NEWS: Daniel Padilla on his alleged audio-video controversy: “keep it going….”/hi

Daniel Padilla on his alleged audio-video controversy: “Tuloy niyo lang ‘yan. Galingan niyo.”

Sam Concepcion refuses to comment about Daniel Padilla’s alleged snide remarks about him.

Si Daniel Padilla (kana, kasama si Kathryn Bernardo) nga ba ang nagsasalita sa isang kumakalat na audio-video kung saan may ka-text siyang kinakikiligan niya at pinasaringan ang isang “Sam,” na pinaniniwalaan ng ilang netizens ay si Sam Concepcion (kaliwa)?

Isang audio-video ang lumalabas ngayon sa online sites kunsaan si Daniel Padilla raw ang nagsasalita habang kausap ang isang kaibigan.

Sa kabuuan ng audio-video, na tumagal lamang ng 1 minute and 33 seconds, ang pinag-uusapan daw na “Sam” ay si Sam Concepcion at ang tila natitipuhan at naka-text naman daw ni Daniel ay ang co-star niya sa pelikulang Bonifacio na si Jasmine Curtis-Smith.

Girlfriend ni Sam si Jasmine.

Dahil sa paglabas ng audio-video na ito, labis na naapektuhan ang fans ng KathNiel—ang loveteam nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Marami rin ang namba-bash sa TV5 princess na si Jasmine.

Ngunit sa kabila ng kontrobersiyang ito, tila ipinapakita naman nina Daniel at Kathryn na hindi sila apektado.

Sa The Naked Truth, ang denim and underwear fashion show ng Bench, noong Sabado, September 20, nasaksihan pa nga ng mga nanood ang pagiging sweet ng dalawa.

Nakunan din ng The Buzz na magkasabay umalis sina Daniel at Kathryn sa MOA Arena, at hindi binibitawan ni Daniel ang kamay ng ka-loveteam.

Nang tanungin si Daniel kung ano ang masasabi niya sa lumabas na audio-video diumano niya, maikling pahayag nito: “Gusto ko lang sabihin, tuloy niyo lang ‘yan. Galingan niyo.”

Nag-post din si Daniel sa kanyang social networking site ng mensahe para sa kanyang mga tagahanga.

Saad niya, “Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin.

“Maraming salamat dahil kayo ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon at kung bakit maginhawa ang buhay namin ng aking pamilya.

“Maraming-maraming salamat at kayo ang pumuprotekta sa akin sa kahit anuman ang sabihin ng iba tao sa akin.

“Pasensiya na din po kung minsan na nagkukulang po ako sa inyo. Malaking-malaki ang utang na loob ko sa inyong lahat.

“Maraming-maraming salamat po uli sa inyong at sana magkakasama po tayong lahat habang buhay.”

Si Kathryn naman ay nag-post sa kanyang Instagram account (bernardokath) ng larawan nila ni Daniel na magkasama at may caption na: “Best Guy ever…”

Sa isang banda, nakunan din ng pahayag ng The Buzz ang pinaghihinalaang diumano’y “Sam” na tinutukoy sa audio-video—si Sam Concepcion—sa The Naked Truth din.

Maikling pahayag ni Sam, “I’m sorry, it’s not for me to answer or talk about.”

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…