Kim Chiu: “Binebenta ng kuya ko ’yung picture ko” | It’s Showtime
Celebr-eyy-t good times with the Showtime family! Nag-uumapaw ang saya ngayong unang araw ng Oktubre. Kapit lang nang mahigpit dahil may pagkakataon pa upang matupad ang mga goals mo this 2024. Maniwala ka lang dahil ang ‘someday’ mo, pwedeng mangyari na today mismo!
‘Someday,’ birit ni Diamond Soul Siren, Nina. Kung kayo ang tatanungin, Madlang People, ano ang pinakamalaking ‘someday’ sa puso n’yo?
Ang ‘someday’ ni Ryan Bang, natupad na nang makilala ang fiance na si Paola. Hindi na siya pwedeng asarin tungkol sa love life, pero pwedeng ‘mabunot’ sa okrayan pagdating sa suot. Ang ‘Showtime’ family, nagpagalingan– isa-isang nagbigay ng jokes tungkol sa OOTD ni Ryan!
Libre ang biyahe pabalik sa nakaraan! Talasan ang memory para makapag-uwi ng malaking money. Isang buhay ang babaguhin ng luck sa “Throwbox.”
Mission accomplished sina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez sa paghahakot ng random madlang players mula sa Brgy Pineda, Pasig City. May working student, call center agent, ulirang ina, at mga raketero’t raketera. The stars have aligned para sa isang loving nanay! Si Sol ang nakakuha ng lucky box na may throwback picture ni Amy Perez, kaya siya ang naglaro sa jackpot round, kung saan hinarap niya ang matitinding trivia questions from different generations.
Tunay ngang may biyayang naghihintay para sa isang loving nanay! Dahil ang naipon ni Sol, nadoble pa sa “Super Box” round kung saan nabunot at nasagot n’ya ang tanong tungkol sa bandang Menudo.
Mga pambato ng dalawang pamantasan, humarap sa hamon ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Mahusay na sa pagtugtog ng saxophone at violin, may ibubuga rin sa singing ang estudyante ng Divine Word College of Calapan na si Allan Tubola, Jr. Good vibes, for sure, ang hatid n’ya sa pagkanta ng “Nais Ko.” Buong-puso ang alay ni South Lakes Integrated School bet Adrienne Sta. Rita sa pag-awit ng “Sa Susunod Na Habang Buhay.”
Parehong magaling at palaban, pero sa huli, si Allan ang umangat sa tanghalan. Siya ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nonoy Zuniga, Ogie Alcasid, at Darren Espanto.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs’ full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV