
Photo courtesy: via Balita
Napa-react ang mga netizen sa kumalat na video nina Kyline Alcantara at Kobe Paras na tila sweet na sweet sa isa’t isa habang nakakandong ang aktres sa basketball player, na kumakanta naman sa videoke ng ‘Hinahanap Hanap Kita” ng Rivermaya.
Kung titingnan, mukhang nag-next level na ang friendship nina Kyline at Kobe dahil kapansin-pansing habang bumabanat ng “Hinahanap-Hanap Kita” ng Rivermaya si Kobe ay komportableng nakakandong sa kaniya si Kyline, at kapansin-pansing nakapulupot ang braso ng basketball player sa beywang ng aktres.
Maya-maya, bumaling si Kyline kay Kobe at nagkatitigan ang dalawa. Tapos, tinaniman ng halik ni Kobe ang balikat ni Kyline!
Mapapansin naman sa video na tila “sanay” na at wafakels ang mga kaibigang nakapaligid sa kanila sa lambingan ng dalawa.
Matatandaang pinag-usapan na tila nagkakamabutihan na ang dalawa dahil napapadalas ang sightings na magkasama silang dalawa, simula nang mabalitang “break” na sina Kyline at ang isa sa mga anak ni Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Mavy Legaspi.
Pero nang kapanayamin sina Kobe at Kyline sa GMA Gala 2024 noong Hulyo, sinabi ni Kobe sa press na friends lang sila ni Kyline.
Anyways, reaksiyon ng mga netizen ay tila tama raw ang desisyon ni Carmina na “ilayo” ang anak kay Kyline dahil sa ipinakikita raw nitong behavior, na hindi matanggap ng mga taong “Maria Clara” at hindi pa tanggap ang mga ganitong eksena.
Narito ang ilan sa mga nakalap na reaksiyon at komento ng Balita sa iba’t ibang panig ng social media:
“Mother knows best talaga!”
“Jusko Kyline, kulang na lang mag-get a room na kayo ni Kobe. Great friends pa ba ‘yan?”
“Yan ang babaeng walang kadeledesa sa sarili khit my ksamang mga lalaki c boy kumandong pa rin yaks girl sabi mo great friends bilis mo naging caime2 sa sa matinik na durian.sau mismo nkikita ang kilos at gawa at salita girl huwag mgsalita ng tapos.”
“Parang okay ang desisyon ni carmina hahahaha…”
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Kyline at Kobe tungkol dito.
News
Vice Ganda Furious at Contestant Who Pretended to Be an Ex in ‘It’s Showtime’ (ch)
In a dramatic turn of events that left the viewers of It’s Showtime in disbelief, Vice Ganda, the beloved host and comedian, lost his cool on stage after a contestant on the show pretended to be his ex during a…
NANAY ni Eman Pacquiao Jr na si Joanna Bacosa LUMANTAD NA sa PUBLIKO Ang NAANAKAN ni Manny! (ch)
In a shocking turn of events that has caught the public by surprise, Joanna Bacosa, the mother of Eman Pacquiao Jr., has stepped forward to confirm her son’s paternity, publicly revealing that he is indeed the son of the boxing…
Maxene Magalona Accepts Her Half-Sister Gail Francesca; Gail Breaks Her Silence (ch)
In a heartwarming and emotional revelation, Maxene Magalona, actress and daughter of the late Filipino music icon Francis Magalona, has publicly accepted her half-sister, Gail Francesca Magalona. The news has garnered widespread attention as the two siblings, who had previously…
WATCH: Jhong Hilario Confirms His Past Relationship with Vice Ganda, Sparks Buzz Amidst Complicated Dynamics (ch)
In a shocking revelation that has sent waves through the entertainment industry, Jhong Hilario has confirmed his past romantic relationship with comedian and television personality Vice Ganda. The confirmation came during a candid moment on a popular talk show, leaving…
Tirso Cruz Reacts To Nora Aunor’s Revelation about Love for Him (ch)
Nora Aunor Revealed Tirso Cruz was Man She Fell Madly in Love w/ TIRSO CRUZ – The veteran actor and Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson reacted to the revelation of Superstar Nora Aunor about her love for…
Annabelle Rama Reacts to Richard Gutierrez’s New Girlfriend, Kazel Kinouchi: “I Don’t Agree”
In a dramatic turn of events, Annabelle Rama, the outspoken and fiery matriarch of the Gutierrez family, has made her stance clear regarding her son Richard Gutierrez’s new relationship with model and actress Kazel Kinouchi. The renowned celebrity mother, known…
End of content
No more pages to load