Kim hindi imbitado sa kasal ni Maja: ‘Di naman kami sobrang close na!’
Diretsahang sinagot ng Kapamilya star at “It’s Showtime” host na si Kim Chiu ang karaniwang tanong ng mga netizen kung bakit wala siya sa kasal ng kaibigang si Maja Salvador.
Mapapanood ito sa kaniyang vlog na “Cooking Tortang Talong with Q&A” na inupload niya noong Setyembre 24.
“Welcome back to my channel and welcome back to my rest house! Nandito nga tayo ngayon sa kitchen area dahil magluluto tayo for this episode. Yes! Lagi ko ‘tong nakikita sa FYP ko sa TikTok kaya naisipan ko, gawin ko nga. Syempre kasama ko sina sissy Bazooka and Fem para tulungan ako sa pagluluto ng Tortang Talong!”
“At habang nagluluto tayo, sasagutin ko rin ang mga questions na pinadala ninyo sa aking IG story post last time. Ready na ba kayo? This is answering sweet & spicy questions – tortang talong edition! Enjoy!” ani Kim.
“Wala, hindi, hindi naman kami sobrang close na ni Maja, and hindi naman na kami masyadong nag-uusap, and siyempre kapag kasal mo gusto mo ‘yong mga taong gusto mong nandidiyan, to witness your love sa partner mo, hindi ako naimbitahan!” natatawang sagot ni Kimmy.
“Pero okay lang! Wala talaga, sobrang happy ako para sa kaniya. Minessage ko naman siya. And natouch din naman ako noong minessage niya ako dahil doon sa nangyari sa ate ko. Sabi niya pinagpe-pray daw niya ‘yong ate ko, and then sana raw okay lang ako. Nakakausap ko siya noong may nangyari sa ate ko.”
“Pero sa kasal, hindi naman importante kung imbitado ka o hindi. Basta sa sarili mo masaya ka na nangyari sa kaniya ‘yon, saka deserve nila ang isa’t isa, sila ni Rambo, kaya hindi naman na mahalaga, bakit isyu ba ‘yon?” sagot pa ni Kim.
Sa bandang dulo ay sinabi ni Kim na masaya siya’t nahanap na ni Maja ang kaniyang “The One” kaya nagpaabot siya ng pagbati sa mag-asawa.
Matatandaang nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Kim at Maja dahil umano sa ex nilang si Gerald Anderson.
Taong 2013, habang ginagawa nina Kim at Maja ang seryeng “Ina, Kapatid, Anak” kung saan gumanap sila bilang magkapatid, nang aminin ni Maja na nagde-date sila ni Gerald, na ex-boyfriend nga ni Kim.
Matatandaang parehong naging housemates ng “Pinoy Big Brother: Teen Edition” noong 2010 sina Kim at Gerald at sila pa nga ang unang magkatambal na tinawag na “Kimerald.” Nauwi sa totohanan ang pagtitinginan nila sa isa’t isa.
Matagal na hindi nagpansinan sina Kim at Maja, at inamin ito mismo ni Kim sa panayam niya sa defunct entertainment yalk show na “The Buzz” kay Boy Abunda noong Abril 2014. 2015 naman nang mapabalita ang hiwalayan nina Gerald at Maja.
Agosto 2019 nang mapabalita naman ang βrestored friendshipβ nina Kim at Maja nang magkasama ang dalawa sa Kapamilya World Fiesta sa Amerika.
Kamakailan lamang ay napabalita naman ang muling pagkikita nina Gerald at Maja matapos ang ilang taon, kasama pa nga ang asawa ng aktres na si Rambo. Hindi lamang basta kita kundi nag-beso-beso pa nga sila.
Bagay na ikinairita naman ng present girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto nang mausisa siya ng isang showbiz reporter tungkol dito, kaya siya nag-walk out.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Maja tungkol dito.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News ππ π₯ππ©ππ πππ‘π¨ππππ’π ππ‘π ππ‘π§ππ₯π§πππ‘π ππ‘π§ πͺπ’π₯ππ π ππ§ππ£π’π¦ π ππππ ππ‘ ππ‘π π£πππππππππππππ‘ π‘ππ‘π ππ¬πππ π£ππππππ ππ§ ππππ¨π₯ πππ₯ππ‘πππ/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the publicβs surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthdayβ€οΈNapa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load