Lotlot nagsalita sa tuyo business issue nina Nora Aunor, Matet
Nagbigay ng pahayag si Lotlot de Leon hinggil sa naging isyu ng tila muling hidwaan ng kapatid niyang si Matet at kanilang mommy na si Nora Aunor dahil sa umano’y pakikipagkompitensya ng huli sa gourmet tuyo at tinapa nito.
Nagbigay ng pahayag si Lotlot de Leon hinggil sa naging isyu ng tila muling hidwaan ng kapatid niyang si Matet at kanilang mommy na si Nora Aunor dahil sa umano’y pakikipagkompitensya ng huli sa gourmet tuyo at tinapa nito.
“Alam mo naman pagdating sa ganyan wala namang panalo. Walang panalo dyan,” bungad ni Lotlot sa panayam ni Abante columnist Rey Pumaloy.
“Wala akong mga kapatid na masasama ugali. Lahat ng mga kapatid ko wether si Ian, si Matet, o si Ken – lahat ‘yan sobrang magaganda ang puso niyan kasi si mommy din nagsasabi sa kanila na magkaroon ng magandang puso.”
“I guess its just a matter of looking at a bigger picture. May dahilan ang lahat,” saad pa niya. “I hope eventually maayos ang dapat maayos.”
Sabi pa ni Lotlot, mabuti ang kalooban ng kanyang mga kapatid dahil na rin sa turo sa kanila ng mga magulang nila. Anuman umano ang nasabi nila sa isa’t isa ay nag-ugat sa miscommunication o kaya ay sa mga sama ng loob na hindi nasasabi.
“They are willing to sacrifice for love…si Matet kahit banyo lilinisin niya maparamdam niya lang sa ‘yo na mahal ka niya,” pagbabahagi ni Lotlot sa interview.
Magkakaiba man daw sila ng ugali sa pamilya pero alam niyang pare-pareho sila magmahal.
Nakisaysaw naman ang mga netizen sa issue, anila:
“What a graceful and tactful way to deliver a message. They are still a family after all the fights and intrigues.”
“You can tell the love and respect ni Lotlot sa mom nya by choosing the words she used while explaining the current situation between the siblings have with their mom. Very careful sya sa pagsasalita. She doesn’t want to take side. Which is good. But people knows exactly what’s going on with your family kahit di ka magsalita. So for you and your siblings sanity….IGNORE the basher.”
“Very well said Lotlot… Eto na magtatapos sa isyu…hayaan ang pamilya nila na maghilom and in due time ay magiging maayos ang lahat.”