Ginagalingan daw ni Paulo Avelino sa mga projects na nakukuha n’ya because this is his way of giving back sa ibinibigay sa suporta sa kanya ng mga KimPau fans.

Mainit ang pagtanggap ang fans sa tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino.

Matapos kasing masaksihan ng mga manonood ang undeniable chemistry nila sa seryeng Linlang ay muli naman silang nagtambal at nagpakilig sa Philippine adaptation ng Korean drama series na What’s Wrong With Secretary Kim?

Pero bago nangyari ang lahat ng ito, iniwasan daw ni Paulo na matali sa isang love team.

Sinabi n’ya ’yan mismo sa one-on-one interview n’ya with Luis Manzano sa online show nitong Luis Listens on YouTube neeting weekend.

Napag-usapan kasi nila doon ang tambalan nila ng tinaguriang Chinita Princess.

Ayon kay Paulo, iba na ang love team ngayon sa showbiz kung ikukumpara sa dati pero parang wala raw nagbago sa hinihingi ng mga fans.

“It’s definitely changing. I wouldn’t say in a major ways. Iba pa rin pag pinagtatambal ’yong dalawang artista na may chemistry. Of course, the fans keep rooting for them to be together in real life. Parang ang daming [expectations],” lahad n’ya.

Kaya nga ayaw daw n’yang matali sa love team noon. Mas gusto raw kasi n’yang mag-grow sa showbiz bilang solo actor.

Ako naman, in my case, sinububukan ko talagang iniwasan for the longest time because I really want to grow as an actor. I really want to study everything behind, sa likod ng camera,” paliwanag n’ya.

Hindi naman daw n’ya inasahan na susuportahan ng mga manonood ang tambalan nila ni Kim Chiu sa Linlang kahit na limitado ang mga nakakakilig na eksena doon.

“Kumbaga, sa Linlang, hindi nga namin in-expect na the tandem would be shipped ’cause, ano talaga, it’s really night and day. Especially sa aming mag-asawa, sobrang liit lang ng mga kilig moments. Maybe sa 90 percent, five percent lang of the show [ang nakakakilig],” aniya.

Pero dahil nga sa nakukuha nilang massive support, nagka-idea daw ang Dreamscape Entertainment na muli silang pagsamahin sa isang project, sa What’s Wrong With Secretary Kim?

Parang doon nakuha ’yong queue ng Dreamscape to test the water sa tandem namin in Secretary Kim,” he said.

Dahil matalagal na raw s’yang hindi nakakagawa ng romantic comedy, tinanggap daw n’ya ang project. Para maiba lang, kumbaga.

Sa akin naman, I accepted it with open arms dahil it’s different. I haven’t done a romcom in a longest time,” pag-amin ng aktor.

Sa ngayong, grateful daw s’ya sa init ng suporta ng mga KimPau fans sa kanila ni Kim.

“I’m very appreciative. To be honest, Sir Luis, for them to keep on posting, to keep on editing stuff, to keep on tweeting, it takes time and effort. And I appreciate time and effort,” aniya.

“So whenever I can give back in any ways I can in my performances or interview like this, I try to do my best,” dagdag pa n’ya.

Samantala, sumalang naman si Paulo sa Shot or Pass Challenge kung saan kailangan n’yang lumagok ng alak kung ayaw n’yang sagutin ang tanong.

Unang tanong ni Luis sa kanya: “Ikaw ba ay single ngayon?

Napangiti na lang si Paulo at hindi na nagsalita. Tapos ay uminom ng alak.

Sunod na tanong ni Luis sa kanya: “Konting clarification lang sa una mong sinagot. May nililigawan ka ba ngayon? Sundot ito du’n sa una mong katanungan.”

Hindi rin umimik si Paulo at uminom na lang ng alak.

Hindi tuloy malinaw ang estado ng love life n’ya ngayon kung single ba s’ya o kung may nililigawan.

Samantala, maliban sa mga serye ni Paulo na Linlang na napapanood sa TV5, at sa What’s Wrong With Secretary Kim? sa streaming app na Viu, palabas na sa mga sinehan ang movie n’yang Elevator kung saan katambal naman n’ya si Kylie Verzosa.