Regine Velasquez, planong balikan ang pag-arte ngayong 2025
Regine Velasquez, mas matindi ang preparations sa concertRegine Velasquez will stage a four-night concert, titled Reset, at Samsung Performing Arts Theater, Circuit Makati, on February 14, 15, 21, and 22, 2025.Ang balikan ang pag-arte ang isa sa mga pinaplanong gawin ni Regine Velasquez ngayong 2025.
Matagal na rin kasi siyang hindi napapanood na umaarte sa pelikula at mga teleserye.
Para sa kaalaman ng mga kabataan, hindi lamang mahusay na mang-aawit si Regine dahil magaling din siyang umarte.
Marami sa mga pelikula niya ang pinilahan sa takilya at certified blockbuster kaya ginawaran siya noon ng Box-Office Queen award.
Kabilang sa hit movies niya ang Dahil May Isang Ikaw (1999), Kailangan Ko’y Ikaw (2000), Pangako… Ikaw Lang (2001), Ikaw Lamang Hanggang Ngayon (2002), Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (2003), Till I Met You (2006), Paano Kita Iibigin (2007), at Of All The Things (2012).
Ang huling full-length acting project ni Regine ay ang CinemaOne Originals entry na Yours Truly, Shirley na ipinalabas noong 2019.
Inilahad ni Regine ang kanyang balak na muling umarte sa media conference ng Reset, ang series of concert niya na itatanghal sa Pebrero 14, 15, 21, at 22 sa Samsung Performing Arts Theater, Circuit Makati.
“Mas open ako ngayon. Parang iniisip ko, if there is an offer, if the role is right, if the role is good, I will surely think about it.
“Parang ang tagal na rin, parang five years na rin akong hindi umaarte, although maarte lang ako talaga,” natatawang biro ni Regine sa press conference ng Reset na ginanap sa 7th floor ng Samsung Performing Arts Theater nitong Martes ng hapon, Enero 14, 2025.
May balak noon ang ABS-CBN na sitcom na pagbibidahan sana ni Regine at ng kanyang asawang si Ogie Alcasid.
Iyon sana ang hudyat ng pagbabalik ni Regine sa pag-arte.
Pero sabi ng Asia’s Songbird, “Kasi nga nawalan kami ng franchise, ano ang gagawin?
“Hopefully, kung magkaroon ulit ng franchise .”But as far as acting is concerned, again, if there’s a role, right role, time din, yeah, I will consider.”
REGINE’S PREPARATIONS FOR RESET
Nang mapag-usapan ang mga paghahanda niya para sa Reset, ibinahagi ni Regine na may konsepto ang apat na gabing pagtatanghal niya.
“Para hindi kami malito, para hindi maging smorgasbord, ginawa namin na may covers, merong originals.
“So, yung February 14, which is Valentine’s Day, the first night of the concert, all original songs. Yun ang Part 1.
“And then yung Part 2, February 15, it will be the covers. So, yun ang mga R2K, mga retro,” ani Regine
Kasama rin sa paghahanda ni Regine para sa Reset ang pagpapakundisyon ng katawan, sa tulong pa rin ni Ogie.
“Ngayon na medyo majonders [matanda] na ako, siyempre kailangan ng mas may preparations, kasi iba na yung katawan natin,” pagpapakatotoo ni Regine.
“Kasi talagang hindi ako masaya, pero ginagawa ko pa rin.
“So we walk together, he encourages me to exercise every day, to walk every day in preparation for the concer.
“Kasi dapat hindi ako hinihingal. Kahit hindi ako nagsasayaw, nakakahingal pa rin.
“Kapag kumakanta ka, ang ginagamit mo talaga mostly yung diaphragm mo up to the last song, so it has to be prepared. Kailangan, hindi ako hinihingal.
“Right now, yun ang preparations na ginagawa ko. I am starting to learn my songs already