– Ibinahagi ni Ogie Diaz ang napag-alaman niya mula sa isang source ukol kina Dominic Roque at Sue Ramirez
– Ito ay matapos na kumalat ang video na nag-kiss umano ang dalawa
– Sinasabing maging ang ina ni Dominic ay nagpapadala pa umano ng pagkain kay Sue
– Matatandaang kamakailan lamang ay kinumpirma na rin ni Javi Benitez ang hiwalayan nila ni Sue
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa November 10 episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, naikwento ni Ogie Diaz ang nabalitaan niya mula sa isang source ukol sa pinag-uusapan ngayon na sina Dominic Roque at Sue Ramirez.

Source: Facebook
Ito ay matapos na kumalat ng isang video kung saan makikitang nag-kiss sina Sue at Dominic.
“Ayon sa aking source. Galing ito sa source ko ha. Bahala na sila kung gusto nila itong pabulaanan or i-confirm at madalas namang nade-deny, tapos ang ending din naman, napapatunayan,” panimula ni Ogie.
“Sabi ng source ko e nanliligaw daw si Dominic kay Sue Ramirez. Oo! Ang balita ko pa e nagpapadala ng food itong si Mommy ni Dominic Roque kay Sue Ramirez. Pero ito’y nanliligaw pa lamang daw,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang kamakailan lamang ay kinumpirma naman ni Mayor Javie Benitez na hiwalay na sila ni Sue. Ayon alkalde ng Victorias City sa Negros Occidental, limang taon din ang itinagal ng relasyon nila ng aktres.
Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan mula sa Ogie Diaz, Showbiz Update YouTube:
Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang Fast Talk with Boy Abunda. Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano’y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.
Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.
Noong Pebrero 11, naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load