Some memorable moments at the grand coronation of Binibining Pilipinas 2024: (top, left) past Miss Universe winners from the Philippines share one stage; (top, right), Binibining Pilipinas 2024 winners; (bottom) Martin Nievera with the past Binibining Pilipinas titleholders.
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook
Delayed telecast ng Binibining Pilipinas 2024 ang napanood ng televiewers sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel noong Linggo ng gabi, Hulyo 7, 2024.
Pero live ang announcement ng mga nagwagi sa koronasyon na tumagal ng limang oras.
Nag-umpisa ng 8:17 P.M. ang programa sa Smart Araneta Coliseum, at natapos ito kinabukasan ng 1 A.M., Hulyo 8.
Normal itong nangyayari sa coronation night ng lahat ng mga national beauty pageant—isang katotohanang dapat maunawaan at tanggapin ng mga nagrereklamo pero patuloy pa rin sa panonood.
Binibining Pilipinas 2024 winners (from left): Trisha Martinez, 2nd runner-up; Myrna Esguerra, Bb. Pilipinas International 2024; Jasmine Bungay, Bb. Pilipinas Globe 2024; Christal Dela Cruz, 1st runner-up.
Photo/s: Binibining Pilipinas Facebook
WOMEN POWER
Maliban sa invited performers na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, TJ Monterde, Maki, at ang SB19, mga kababaihan ang binigyan ng pagpapahalaga sa grand coronation ng 60th edition o diamond jubilee ng Binibining Pilipinas.
Babae ang lahat ng mga host at mga hurado.
Sina Miss World 1993 2nd Princess Ruffa Gutierrez, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss International 2016 Kylie Verzosa, Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, at Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves ang mga host
Binibining Pilipinas 2024 hosts (from left): Nicole Cordoves, Ruffa Gutierrez, Catriona Gray, Kylie Verzosa, and Mary Jean Lastimosa.
Photo/s: Binibining Pilipinas Facebook
Kabilang sa mga hurado sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 1973 Margarita Moran, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss International 2023 Andrea Rubio ng Venezuela.
Past Binibining Pilipinas titleholders with Martin Nievera.
Photo/s: Binibining Pilipinas Facebook
MARTIN, GARY, & SB19
Sina Martin, Gary, at ang SB19 ang kumanta ng official theme song ng Binibining Pilipinas sa umpisa ng programa.
Umalingawngaw sa loob ng Araneta Coliseum ang malakas na hiyawan at palakpakan nang umakyat sa entablado ang SB19 na patunay ng kanilang popularidad na tinatamasa.
Malaki ang kinalaman ng SB19 kaya nag-trend sa social media ang coronation night ng Binibining Pilipinas.
SB19
Photo/s: Binibining Pilipinas Facebook
BINIBINING PILIPINAS TITLEHOLDERS
Ipinagmalaki ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) na mahigit sa isandaan ang bilang ng mga nakaraang beauty titleholders ng Binibining Pilipinas ang dumalo sa diamond jubilee at lahat sila ay binigyan ng importansiya sa simula pa lamang ng programa.
Sina Miss International 1979 Aurora Pijuan, Miss International 2005 Lara Quigaman, at Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman ang tatlo sa international titleholders na hindi nakadalo sa diamond jubilee ng prestigious beauty pageant na nagpabago sa takbo ng kanilang mga buhay.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkasama-sama ang Miss Universe winners na sina Gloria, Margarita, Pia, at Catriona.
Miss Universe winners (from left) Catriona Gray, Margie Moran, Gloria Diaz, and Pia Wurtzbach.
Photo/s: Binibining Pilipinas Facebook
Hindi na umakyat sa entablado si Margarita sa opening production number dahil sa kalagayan ng kanyang kalusugan kaya sina Gloria, Pia, at Catriona ang lumapit sa puwestong kinaroroonan niya.
Isa si Margarita sa mga hurado pero pagkatapos ng deliberasyon, hindi na siya bumalik sa kanyang upuan. Pero kahanga-hanga ang kooperasyon at propesyonalismong ipinamalas niya.
Nangibabaw ang pagiging international model ni Miss International 1979 Melanie Marquez nang bigyang-pugay siya dahil ipinakita niya ang kanyang kinabibilibang catwalk.
Miss International 1979 Melanie Marquez
Photo/s: Binibining Pilipinas Facebook
Sa dami ng mga nakaraang beauty queens ng Binibining Pilipinas na sumipot sa Araneta Coliseum, ang mga hindi dumalo ang hinanap ng mga tao — ang past Bb. Pilipinas-Universe winners na sina Dindi Gallardo (1993), Charlene Gonzales (1994), Joanne Quintas (1995), at Miriam Quiambao (1999) na mga naging bahagi ng entertainment industry matapos ang kanilang reign.
JANINA SAN MIGUEL
Binigyan din ng importansiya sa diamond jubilee ng Binibining Pilipinas si Janina San Miguel, ang nagwagi ng Bb. Pilipinas-World title noong 2008.
Isa si Janina sa pinakakontrobersiyal na beauty queen noong 2008 dahil sa kanyang sagot sa Question and Answer, pero nanalo pa rin siya ng major title.
Hindi naranasan ni Janina na maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World 2008.
Anim na buwan matapos manalo ng Bb. Pilipinas-World crown, nagbitaw siya mula sa kanyang mga tungkulin dahil sa mga personal na dahilan.
Ang first runner-up na si Danielle Castaño ang ipinalit kay Janina at ipinadala sa Miss World 2008 pero hindi pinalad magwagi.
Sariwa pa sa isip ng mga tao sa Araneta Coliseum ang hindi malilimutang eksena ni Janina sa 45th Binibining Pilipinas kaya tumanggap ito ng malakas na palakpakan sa panayam sa kanya ni Catriona.
Kasama ni Janina sa interbyu sina Bb. Pilipinas-Universe 1979 Dang Cecilio at Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup.
Pero nakuha ni Janina ang atensiyon ng lahat dahil sa kanyang sinabi na, “At this moment, yes I do have a bet already and it’s all because of her confidence and presence.
“Well, I’m proud to say that during my year, I won best in swimsuit and best in long gown, so who would be the next?”
Naaliw ang mga nasa loob ng Araneta Coliseum sa mga sinabi ni Janina na hindi nag-buckle sa kanyang straight English dialogue dahil binasa niya ito mula sa teleprompter.
News
Ria Atayde, Ibinahagi ang Emosyonal na Update kay Zanjoe Pagkatapos ng Di-umano’y Insidente kasama si Robin Padilla (VIDEO)(SKDA)
Sa isang taos-pusong rebelasyon, ibinalita sa publiko ng aktres na si Ria Atayde ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang partner na si Zanjoe Marudo, kasunod ng umano’y alitan na kinasangkutan ng aktor na si Robin Padilla. Ang insidente ay nagtaas ng…
bearking news :Glenda Garcia recounts playing Leona Braganza in Valiente (uyen)
Glenda Garcia on playing Leona Braganza, a kontrabida in the 1992 afternoon series Valiente, which was top-billed by Michael de Mesa. PHOTO/S: Glenda Garcia on Facebook and Valiente Sa higit na tatlong dekada ng pagiging aktres ni Glenda Garcia, ang pagiging…
bearking news : Vina Morales glad that network war is over (uyen)
Vina Morales is glad that the long-standing feud between two of the largest TV networks, GMA-7 and ABS-CBN, has ended. She says, “Actually, even naman before yata, hindi lang masyadong obvious na nangyayari. Naghihiraman, nagpapahiraman naman sila ng mga actors,…
shok: Former actress Bobbi Mercado passed away at the age of 58, revealing a shocking cause (uyen)
Snooky Serna on mourning the death of her cousin Bobbi Mercado: “I know now what grief means.You are the sister that I never had. You are my constant…” PHOTO/S: GMA Network / Snooky Serna Binawian ng buhay sa edad na…
bearking news : Andrew Gan cherishes friendship with late veteran actor Ronaldo Valdez (uyen)
Andrew Gan treasures his friendship with the late veteran actor Ronaldo Valdez. Up to now, he cherishes the late actor’s sage advice. He says, “Yung una dun yung matuto ka makisama, matuto kang makisama sa mga tao. Ang sinasabi niya…
Nakakaloka! Biglang natapos ang It’s Showtime sa GMA Network. Ogie Alcasid Speaks Out. (SKDA)
Amid persistent rumors that ‘It’s Showtime’ may conclude its airing on GMA Network by December 2024, Ogie Alcasid has addressed the speculation surrounding the future of the long-running noontime show. Despite the rumors, no official statement has been made by…
End of content
No more pages to load