BREAKING NEWS: You won’t believe Bianca Umali and Ruru Madrid resolved their misunderstanding with this one thing…/hi

How Bianca Umali and Ruru Madrid fix misunderstandings

Bianca doesn’t believe in “seven-year itch” in a relationship.
Bianca Umali on how she and Ruru Madrid fix their misunderstandings
Bianca Umali on not snooping on Ruru Madrid’s phone or social media accounts: “Saka kami naman na-build na namin yung level na pag mayroon kaming tingin na maling ginagawa namin, kami na rin ang nagsasabi sa isa’t isa. Ganun ang level ng transparency namin. Di kaya ng konsensiya namin na mayroon kaming di sinasabi sa isa’t isa.

Magpipitong taon na ang relasyon nina Bianca Umali at Ruru Madrid sa July 2025.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong si Bianca kung pamilyar siya sa tinatawag na “seven-year itch.”

Sinasabing kritikal ang ikapitong taon ng magkarelasyon dahil dito raw sila dumaraan sa matinding pagsubok na kung hindi magpapapatag ay magiging dahilan ng hiwalayan.

Hindi naniniwala si Bianca rito.

Paliwanag niya: “I’ve been hearing about that, pero regardless naman. I don’t think it’s in the number.

“Marami talagang toxic sa paligid, that’s it, especially in the industry. Maraming pagkakataon na puwede kang magkamali kung gusto niyang magkamali.

“Pero again, when you choose a person, it’s really a conscious decision every day to choose the person you love.”

Bianca Umali and Ruru Madrid six years together

Bianca and Ruru at their recent Japan trip 
Photo/s: @bianxa Instagram

Nakapanayam ng PEP si Bianca sa media launch sa kanya bilang Pina Skin care endorser noong October 15, 2024, sa One Park Drive BGC, Taguig, City.

Bukod sa matalinong sumagot ay malakas ang personalidad ni Bianca. Pero hindi raw si Bianca ang tipo ng nobya na nang-a-under ng nobyo.

Aniya, “Not at all. I think I wouldn’t want that din for myself na under si Ruru sa akin.

“It wouldn’t also sit well on me na di kami equal.”

Patuloy ni Bianca, “One of the biggest tips na natutunan namin ni Ruru, that when we are in a relationship, when you choose the person you love, you always have to be ready to lower down your pride.

You have to accept lalo na kung ikaw ang mali.”

Bigayan daw sila ni Ruru sa kanilang relasyon.

“Sa aming dalawa ni Ruru, malinaw sa amin na we really are the opposite of each other.

“I am the introvert, he is the extrovert. Ako yung utak ng relationship, siya naman yung puso.

“Balanced kami at malinaw sa amin yun. Whoever becomes dominant in the relationship, kung kaninong field yung sitwasyon, kung ang problemang ito kailangan ng utak, ako yun.

“Kung sa problemang ito kailangan ng pusong pagresolba, then si Ruru yun.”

BIANCA UMALI ON TRUSTING RURU MADRID

Pagdating sa pagkakaroon nila ni Ruru ng kanya-kanyang kapareha on screen, may pagkakataon bang nagkakaselosan sila?

“Parehas kami, yung tiwala namin ni Ruru sa isa’t isa ay napakalaki at napakalinaw,” sagot ni Bianca.

“At parehas din kami na di kami magseselos para sa wala. Hindi lang basta pruweba, we are actually transparent with each other.

“Sasabihin namin na ganito ang nararamdaman ko sa ganito, the other one will explain bakit, and will apologize kung di man naging maganda yung pakiramdam ng isa.

It really is about consistency and being honest and transparency.”

Aminado naman si Bianca na hindi maiiwasan ang selos sa relasyon.

Lahad niya: “Yung work namin ay pag-aartista,kahit parehas kami ng ginagawa, again, tao lang kami. Makakaramdam at makakaramdam ka, kaunting kurot.

“But again, it’s a conscious effort for you to make your other half feel the assurance, the respect and the trust, you have to give.

“Di lang basta sinabi mo mahal kita, enough na yun. You have to do it, you have to show it and you have and you have to work for it.”

May ibang babae ang nagtse-check ng cellphone at social media accounts ng kanilang mga karelasyon.

Ayon kay Bianca, hindi niya ito ginawa sa boyfriend kahit kailan.

Dugtong ng aktres, “Saka kami naman, na-build na namin yung level na pag mayroon kaming tingin na maling ginagawa namin, kami na rin ang nagsasabi sa isa’t isa.

“Ganun ang level ng transparency namin. Hindi kaya ng konsensiya namin na mayroon kaming di sinasabi sa isa’t isa.”

WEDDING TALKS

Dati nang nabanggit ni Bianca na napag-uusapan na nila ni Ruru ang pagpapakasal balang araw.

Pero sa ngayon ay hindi raw nila minamadali na i-level up ang kanilang relasyon.

Paliwanag ni Bianca, “Ruru and I are not putting a certain timeline. Di kami naglalagay na dapat within three years, five years. Wala kaming nilalagay na ganun, and we will not pressure ourselves.

“Pero oo, pinag-uusapan namin ang kasal, alam namin na doon kami papunta.

“This year is our seventh year and it has been amazing.”

Subok na raw ang tatag ng relasyon nila ni Ruru.

Dati nang inamin ng couple na walong buwan silang naghiwalay mula noong huling bahagi ng 2019 hanggang 2020.

Pero muling sinuyo ni Ruru si Bianca hanggang sa nagbalikan sila.

Handa raw sila ng nobyo na harapin anumang pagsubok ang madaraanan nila.

“Maraming beses na at maraming beses pa. Because naniniwala kami na pinagkaloob kami sa isa’t isa ng Ama.

“The first time we met, and it became clearer when the relationship evolved, when our faith grew together, when our families bonded and when we became aligned and connected the level we are now.

“It just gets clearer and clearer every year kung bakit kami pinagtagpo,” saad ni Bianca.

BIANCA UMALI ON BEAUTY AND KNOWING WHAT SHE STANDS FOR

Isa si Bianca sa mga aktres na morena beauty.

Tinanong ng awtor na ito ang aktres kung nakaranas ba siya ng pambu-bully mula sa ibang tao dahil dito.

Kuwento ni Bianca, “Nung bata ako, I wasn’t really bullied because of the color of my skin. I was more bullied because of my character, because I was misinterpreted and misunderstood most of the time.

“They see me suplada, di namamansin, because of the strong character that I used to have, all the more before.

“Pero hindi naging hindrance yun para ma-cloud yung pagkakakilala ko sa sarili ko.

“Ngayong nagiging matanda ako, mas nagiging malinaw sa akin na, ‘Ah kaya pala ako ganito, naniniwala ako sa ganito.'”

Diin ni Bianca, “Isa dun yung pagkakilala ko sa sarili ko bilang isang Filipina. Di ako dapat ma-intimidate sa kulay, hitsura, o values ng ibang tao o ng ibang mga kasama.

“Ang mahalaga, alam ko ang pinanggalingan ko. Nawala man sa akin ang mga magulang ko nang maaga, pero yung pagka-Filipina ko, alam ko na dito ako ginawa, dito ako nagmula. Di mawawala sa akin yun.”

Bilang bagong endorser ng Pina Skin Care na isang Pinoy brand, tinanong si Bianca kung may mga kundisyon ang isang brand na maaaring makapaglimita sa mga gusto niyang gawin on at off cam.

Sabi ni Bianca: “Sa totoo lang, I don’t see it that way. Yes, there are certain things that we have to be aware about, but sa akin kasi, I don’t think I would represent a brand that will limit me.

“Because right now, I know who I am, I know what I stand for, and the things I believe in.

“I would endorse brands that I am confident na in line with my values.”

Hindi naman daw siya papayag maging endorser kung hindi siya naniniwala sa campaign ng brand.

“Of course, if I feel a brand is very limiting, nahihirapan akong gumalaw, kinakahon ako, parang di ako si Bianca, that means that brand is not for me.

“Sa ngayon, hindi pa naman, wala pa naman, kaya parang very thankful lang ako sa lahat ng pumapasok at dumarating.

“Happy ako na nakikita ng mga brands na yun, ng mga tao na yun kung sino si Bianca Umali, kung ano yung Bianca Umali.

“This means I’m on the right track na yun ang naipo-portray ko na karakter, na naipapakita ko kung sino talaga ako and they see that.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News