Netizens are curious about the story behind Judy Ann Santos’ Christmas panata…

Here’s the story behind Judy Ann Santos’s Christmas Day panata

Judy Ann: “it is very important na December 25, mabendisyunan si Mother MaryJudy Ann Sanots and family's Christmas Day tradition
Judy Ann Santos highlights the significance of her family’s tradition of holding a Christmas Day mass at home every December 25. In photo: (L-R) son Lucho, youngest daughter Luna, husband Ryan, and eldest daughter YohanSagrado para kay Judy Ann Santos ang December 25, araw ng Pasko.

Naging panata na kasi niya ang magdaos ng misa sa kanilang bahay, kasama ang asawang si Ryan Agoncillo, mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna, pati mga mahal nila sa buhay.

Isa ito sa mga napag-usapan during her lunch get-together with the press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nitong nakaraang Linggo, December 22, 2024, sa Alabang Westgate, Muntinlupa.

Judy Ann Santos luncheon with her media friends

Photo/s: Arniel Serato

Lahad niya, “Kasi nung dalaga pa ako, I would always go to Mother Mary of Manaoag, sa Manaoag,” na ang tinutukoy niya ay ang dinarayong Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag sa Pangasinan.

“Palagi ako nagpupunta diyan.

“Nagdadasal ako kahit mag-isa lang ako.

“And then may time na nakita ko ni Father Sonny Ramirez [confessor ni Juday].

“May mga moments na susugod na lang ako ng Manaoag pag bored ako, pag sagad na ako sa trabaho, pag ayaw ko ng kausap.

“Gusto ko lang magdasal, pupunta ako ng Manaoag, either madaling araw o ala-sais ng gabi.

“Basta may butas yung araw ko.

“Anyway, to cut the long story short, nagkakilala kami ni Father Sonny.”

Judy Ann Santos, press friends

JUDY ANN SANTOS: “Ito yung tradisyon na gusto kong ituloy ng mga anak namin.”

Mula noong nakilala niya si Father Sonny, nakagawian niyang imbitahan ito sa kanilang bahay tuwing Pasko.

Pinapabendisyunan daw niya ang kanilang pamilya, pati na ang santo ng Birhen ng Manaoag na ibinigay ng pari sa kanya.

Judy Ann Santos panata

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News