Kim, hindi naisip na magagawa ang pasabog na love scenes kina Paulo at JM

Napanood namin ang first two episodes ng bagong Kapamilya series na Linlang sa ginanap na screening/mediacon nitong Monday, Oct. 2, and we’d say na ito na yata ang most daring scenes ni Kim Chiu na napanood namin in her entire career.
Sa nasabing episodes pa lang ay pasabog na agad ang love scenes ni Kim sa dalawa niyang leading men na sina Paulo Avelino and JM de Guzman.
May matindi silang bed scenes ni Paulo na hindi namin akalaing magagawa ni Kim.
Kahit naman ang aktres ay aminadong hindi rin daw niya inakalang magagawa niya ang mga naturang eksena. “Parang ‘eto ‘yung role na hindi ko talaga maisip na gagawin ko siya in my whole acting career,” ani Kim.
“Pero ‘eto na tayo, nagawa na natin. So, sinusunod ko lang talaga ‘yung sinasabi ni direk dahil malaki ‘yung tiwala ko talaga sa mga direktor namin (FM Reyes and Jojo Saguin) dito sa Linlang,” dagdag niya.
Aminado naman si Kim na talagang kinabahan siyang gawin ang steamy scenes niya with Paulo pero gusto niya ring mag-grow as an actress.
“Sabi ko, ‘direk (FMR), gusto ko mag-grow, pero paano? Natatakot ako, kinakabahan ako.’ Tapos sabi niya, ‘magtiwala ka lang sa akin, akong bahala sa ‘yo,’” natatawang kwento ni Kim.
Nang gawin daw nila ang maiinit na eksena nila Paulo ay 2nd day taping pa lang nila at bale ba ay first time niya ring makatrabaho ang aktor.
“Aba, siyempre, sobrang tahimik siya (Paulo) na tao. First day pa lang, ‘paano ko kaya siya kukuwentuhan?’ Tapos, ‘di naman siya natatawa sa ‘kin. Paano ‘to?’
“Tapos, 2nd day, kinakabahan pa rin ako. Pero parang sige, A-game siya, so A-game rin ako,” kwento ni Kim.
Nagpapasalamat naman siya kay Paulo sa pag-alalay na ginawa sa kanya.
“Nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinapadali niya naman ‘yung mga bagay na kinakabahan ako. Everytime na nag-i-step ako sa set namin, sobrang kabado talaga ‘ko, kasi hindi ko talaga ‘to forte at hindi ko talaga ‘to comfort zone kaya hindi ako confident kung maayos ko ba siyang nagagawa at nade-deliver.
“Pero dahil sa direktor namin, direk FMR, direk Jojo (Saguin), and dahil sa mga co-actors ko na sobrang galing, naaangat naman nila ‘ko at natutulungan nila ako and ‘yun ang pinagpapasalamat ko sa series na ‘to,” sey ni Kim.
Puring-puri naman ni direk FM si Kim dahil seryoso raw talaga ang aktres sa craft niya dahil may notes pa raw ito kung saan ay sinusulat pa nito ang lahat ng movement nito sa story.
“And I’m so amazed. Superstar as she is, ganu’n siya ka-dedicated du’n sa trabaho niya,” papuri ni direk FM.
Ang Linlang ay isang mystery-thriller drama series under Dreamscape Entertainment at mapapanood worldwide sa Prime Video on Oct. 5. Kasama rin sa serye ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Maja at Kim, pinatunayang walang away
Viral ngayon sa social media ang larawan nina Maja Salvador at Kim Chiu na masayang nagyayakapan nang magkita sila sa ABS-CBN Ball 2023.
Ito ay pagpapatunay na walang samaan ng loob ang dalawa sa isyung hindi naimbitahan ni Maja si Kim sa kanyang kasal with Rambo Nuñez sa Bali.
Maging ang kani-kanilang fans ay natuwa na makitang all’s well sa pagitan ng magkaibigan.
“Maturity, moving on, both are blessed in their career, love life, life is too short to dwell on their past issue,” komento ng isang netizen.
“Andon na tayo sa nagkalamat ang friendship but people like them na masayahin, mababait at mukhang walang bitterness sa buhay possible na genuine ang pinapakita nila na at peace sila,” sey naman ng isang fan.
“If you’re both happy with your own lives, moving on from the hurt of the past is not hard to do,” komento naman ng isa pang social media user.
“Agree wala sila issue, normal na may magkakaibigan na nagkaka falling out, but look at them, mature and still talking despise of the past,” reaksyon ng isa pa.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load