Is Paulo Avelino taking a swipe at Star Cinema in cryptic post?
Speculation is rife that Paulo Avelino’s cryptic message about not finishing a film is connected to his movie with Kim Chiu, My Love Will Make You Disappear, produced by Star Cinema.
PHOTO/S: @starcinema / @chinitaprincess Instagram
May sama ba ng loob si Paulo Avelino sa Star Cinema?
Ito ang tanong ng netizens kaugnay ng binitiwang cryptic message ng aktor sa X (dating Twitter).
Huwebes ng hapon, January 9, 2025, nag-post si Paulo ng makahulugang patama sa hindi pinangalanang film company.
“Ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula,” waring sarkastikong saad ni Paulo kalakip ng laughing emoji.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sa comments section, makikitang nabahala ang fans ni Paulo at Kim Chiu.
Nakilala ang tambalang Kim at Paulo, na may uniname na KimPau, sa teleseryeng Linlang at Pinoy adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim?.
Napagtagni-tagni ng fans na waring may kinalaman ang cryptic post ni Paulo sa inaasahang pelikula ng KimPau, ang My Love Will Make You Disappear, na iprinodyus ng Star Cinema.
Ang Star Cinema ang film company arm ng ABS-CBN Studios.
KIMPAU MOVIE
Noong December 23, 2024, sa premiere night ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na And The Breadwinner Is… lumabas ang teaser ng KimPau movie.
Una iyong lumabas noong December 10 sa Instagram account, at December 11 sa YouTube channel ng Star Cinema.
Sa teaser trailer, makikitang nag-picnic si Kim sa Jones Bridge at doon ay nanonood ng romance K-drama.
Dali-daling nagbukas ng payong si Kim nang biglang umulan. Paalis na sana siya nang mabunggo siya ni Paulo na noo’y tumatakbo sa bridge.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
In slow motion, nasalo naman ni Paulo si Kim na muntik nang matumba.
Sa dulo ng teaser trailer inanunsiyo na February 12, 2025 ang playdate ng pelikula.
Noong January 6, 2025, nakapanayam pa sina Kim at Paulo ni MJ Felipe ng ABS-CBN News sa mismong promo shoot ng My Love Will Make You Disappear.
Sinabi ni Paulo na January 7 ay magsisimula na ang guest appearances nila ni Kim para i-promote ang pelikula.
Nang kumustahin ang set nila sa shooting, inamin ni Paulo “na may delays lang” dahil patuloy raw nilang pinapaganda ang mga eksena.
Hiningan din sila ng reaksiyon sa fans na panay na ang tanong kung kailan lalabas ang full trailer ng My Love Will Make You Disappear.
Sagot ni Paulo, “Mid-last year pa namin in-announce ito at hanggang ngayon ginagawa pa rin namin.
“So, I’m sure umaabot na rin sa rurok yung excitement ng mga nag-aabang since Day 1.”
Siniguro niyang pati trailer ay pinapaganda para di ma-disappoint ang fans.
MOVED PLAYDATE?
Pero waring nag-iba ang ihip ng hangin base sa cryptic post ni Paulo.
Sa comments sections, may fans na nag-react tungkol sa sinasabing biglang change of playdate ng My Love Will Make You Disappear.
May kumakalat sa Twitter na screenshot ng poster ng KimPau movie na may text na “April 2025” showing.
Base sa screenshot, galing sa Facebook page ng “SM Cinema” ang poster.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi na makikita ang sinasabing poster na iyon sa Facebook at Twitter ng SM Cinema.
Lumikha ito ng espekulasyon mula sa netizens.
May nagsasabing hindi pa tapos ang pelikula kaya di aabot sa February 12 playdate.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
KIMPAU REACTS TO STAR CINEMA MEME
May haka-haka pa ang iba kung bakit waring diskumpiyado si Paulo base sa kanyang cryptic post.
Base pa rin sa diskusyon ng netizens, napaisip sila kung may kinalaman ang meme ng Star Cinema sa reaksiyon ni Paulo.
Less than an hour bago ang X post ni Paulo, nagbahagi ang Star Cinema ng meme sa X gamit ang solo shot ni Bea Alonzo na galit sa eksena mula sa pelikulang Kasal.
Sabi sa meme: “‘Yung naka-sampung beses ka nang paliwanag, tapos sasabihin niya pa rin ‘Ha?’”
May kaakibat itong caption na “Dito nasusubok ang pasensya ko eh.”
Sa comments section, naglagay ang Star Cinema ng link sa pelikulang Kasal.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Tingin ng netizens, patama umano iyon kay Paulo na maaaring hindi raw kumbinsido sa anumang dahilan kung bakit maiiba ang playdate ng pelikula nila ni Kim.
DID PAULO AND KIM UNFOLLOW STAR CINEMA IG?
May mga napatanong din kung in-unfollow nina Kim at Paulo ang Star Cinema sa Instagram.
Kung titingnan ang IG accounts nina Kim at Paulo, hindi nga sila naka-follow sa Star Cinema.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Hindi naman malinaw kung noon ay naka-follow sina Kim at Paulo sa IG account ng Star Cinema.
Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang panig ng Star Cinema sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ABS-CBN Corporate Communications.
Ilalathala namin agad ang opisyal na pahayag ng film company sa oras na matanggap namin ito.