Palagay ni Lolit Solis, puwede nang manligaw si Paulo Avelino kay Kim Chiu
![]()
PHOTOS: @akosilolitsolis & @kimpauarchives on Instagram
Dahil sa tila sunod-sunod na balita tungkol sa hiwalayan ng mga celebrity couples, maging ang veteran showbiz writer/insider at talent manager na si Lolit Solis ay nalilito na umano. However, tila pabor siya sakaling magkaligawan ang tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu.
Tingin ng veteran showbiz writer/insider and talent manager na si Lolit Solis, pwede nang ligawan ni Paulo Avelino ang nali-link ngayon sa kanyang si Kim Chiu.
Tutal naman daw kasi ay ikinasal na ang dati nitong nakarelasyong si LJ Reyes na nanay ng anak niyang si Aki.
(Last October 2023 nang ikasal si LJ sa non-showbiz partner nito na si Philip Evangelista sa US.)
Single na rin naman kasi si Kim ngayon dahil natapos na ang almost 12 years na relasyon nila ni Xian Lim.
Bukod pa roon, maganda ang naging pagtanggap ng fans sa tambalan nina Paulo at Kim sa Kapamilya thriller-drama series na Linlang na agad masusundan ng romcom K-drama adaptation na What’s Wrong With Secretary Kim?
“Siguro Salve dahil happily married na si LJ Reyes sa USA kaya puwede nang lumigaw kay Kim Chiu si Paulo Avelino. Balita kasi na nagkakalapitan na ang loob ng dalawa,” pahayag ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post today, February 15.
Kalakip pa nga nito ang photo ni LJ at husband nitong si Philip na kinunan noong araw na ikinasal sila.
Saad pa niya, wala raw siyang nakikitang problema rito kung sakali dahil napapabalita na rin naman umano na may bagong babae nang nali-link sa ex-boyfriend ni Kim na si Xian Lim.
“Wala naman problema dahil meron narin daw bagong girl si Xian Lim,” katwiran niya.
(At bagamat hindi umamin na break na rin daw sina Paulo at Janine Gutierrez.)
Gayunpaman, kung siya ang tatanungin ay nalilito rin daw siya sa hiwalayan ng mga artistang magkakarelasyon.
“Parang merry go round talaga ang nangyayari sa love affair ng mga stars natin kaya kung minsan nakakalito na,” pag-amin ni Manay Lolit.
“Para na ngang ang liit ng mundo kaya sila sila din ang nagkikita. Lalo pa nga ngayon na halos sa TV na lang ang trabaho dahil nga kokonti o wala na halos gumagawa ng movies,” pagpapatuloy niya.
Ayaw umano niya ang mga balitang naghihiwalay ang mga matatagal nang magkasintahan tapos maghahanap ang mga ito ng bago nilang makakarelasyon.
“Naku Salve at Gorgy hindi ko feel na bigla mabalitaan iyon mga alaga natin may mga lovelife na nakakagulat ha, kaloka at hindi bongga [Weary face emoji] #classiclolita #ctto,” pagtatapos niya.
Pero dahil naghiwalayan na nga, pabor na siya ngayong magkaligawan ang onscreen tandem nina Kim at Paulo.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load