HOT: Marian Rivera is sad that something bad happened to her Asoka challenge video!/hi - News

HOT: Marian Rivera is sad that something bad happe...

HOT: Marian Rivera is sad that something bad happened to her Asoka challenge video!/hi

Labis Na Ikinalungkot Ni Marian Rivera Ang Nangyaring Ito Sa Kanyang Asoka Challenge Video!


Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang panibagong video na ibinahagi ng primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang social media accounts na humahakot ng mga views subalit makalipas ang ilang mga sandali ay burado na ang nasabing video ni Marian Rivera. 

Marami naman sa mga tagahanga ni Marian Rivera ang nagtataka kung bakit kaagad itong binura ng aktres gayung humahakot naman ito ng maraming mga views.

Bukod pa rito, may pa teaser pa si Marian Rivera sa kanyang social media account bago ilabas ang kanyang asoka challenge na siyang nagpasabik sa kanyang mga tagahanga. Pahiwatig rin ito ng aktres na talagang excited siyang ipakitang muli sa publiko si MariMar.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na naging iconic ang pagganap ni Marian Rivera bilang si MariMar dahil dito siya labis na sumikat.

Labis na napahanga ni Marian Rivera ang  mga netizens sa ibinahagi niyang make up transformation subalit ang nakakalungkot ay narestrict ang nasabing video ni Marian Rivera dahil sa copyright issue.

Labis itong ikinalungkot ng mga tagahanga ni Marian Rivera dahil nanghihinayang sila sa video. May mga nagpayo naman kay Marian Rivera na gamitin ang version ni Regine Velasquez ng kanta para hindi ito ma-copyright.

Tila sinubukan naman itong lahat ni Marian Rivera subalit ganoon pa rin ang nangyayari at patuloy pa run itong namo-mute na labis niyang ikinalungkot.

Sa kabilang banda, patuloy namang humahakot ng views ang video ni Marian Rivera sa ibang mga social media platforms patunay lamang na marami ang humahanga sa aktres.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…