By Rommel Gonzales

 

Kamakailan ay sumalang si Bea Alonzo sa lie detector test sa morning show na Unang Hirit kung saan sinagot niya ang ilang maiinit na tanong sa kanya.

Nang tanungin si Bea kung ang nobyong si Dominic Roque na ba ang gusto niyang makatuluyan sa buhay, ang mabilis na sagot ng aktres ay, “Oo naman.”

“Sana, sana. Siyempre hindi na tayo naglalaro,” sinabi pa ni Bea.

Madalas sabihin ni Bea na priority niya muna ngayon ang kaniyang showbiz career at pamilya, pero ibibigay pa rin niya ang matamis niyang “oo” kung aalukin siya ni Dominic ng kasal.

Ayon pa sa Sparkle at Start-Up PH actress, husband-material para sa kaniya si Dominic.

Hindi naman itinanggi ni Bea na nakararamdam din siya ng kilig kapag ka-eksena niya si Alden Richards sa kanilang GMA TV series na, Start-Up PH.

“Oo naman! Sino ba nama ang hindi? ‘Pambansang Bae’ ito. “Tsaka guwapo si Alden, tapos the way he looks at you, parang nakakatunaw paminsan,” sabi ni Bea.