Regine Velasquez on Sharon Cuneta-Gabby Concepcion split
A self-confessed Sharonian, Asia’s Songbird Regine Velasquez recalls how she used to watch Sharon Cuneta and Gabby Concepcion’s movies in the cinemas.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / CTTO YouTube
Hindi raw akalain ni Regine Velasquez na ang iniidolo niyang si Sharon Cuneta ay magiging malapit niyang kaibigan ngayon.
Sabi nga ni Sharon, “We got close ni Reg, 2019. We’re sisters now. She’s family now. She and Ogie. Di na kami maghihiwalay.”
Ang mag-asawang Regine at Ogie Alcasid ay naging bukas na supporters ng kandidatura ng mister ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan nitong katatapos na 2022 elections.
Sa salitan ng kuwento nina Regine at Sharon sa mediacon ng concert nilang ICONIC, nasaksihan ng press ang malalim na samahan ng Asia’s Songbird at ng Megastar,
ibinahagi ni Regine na lumaki siyang tinitingala si Sharon hindi lang basta singer kundi bilang total performer.
“Ako, naging icon kita kasi ikaw yun, e. Ang nanay ko kasi Noranian siya. Pero nung time ko, it was you, e.
“Walang kagaya ni Ate Sharon na ang galing kumanta. Aba, nagsasayaw, naka-tanga! Ang galing mo kaya sumayaw.
“Inaral niya talaga lahat. At siyempre pag kumanta siya… kaya idol ko ito, e, kasi di lang sa pagkanta.”
Kakatwang naka-relate din si Regine sa classic movie ni Sharon na Bukas Luluhod Ang Mga Tala (1984). Inalipusta roon ang karakter ni Sharon na si Elsa, dahil galing ito sa mahirap na pamilya pero biglang sumikat bilang singer.
Kuwento ni Regine: “Parang nakikita ko sa sarili ko sa kanya. Yung Bukas Luluhod Ang Mga Tala, habang tumulo yung luha niya sa isang cheek lang.
“Nung pinapanood ko yun sa sinehan, ako si Elsa. Feeling ko ako yung nasa bintana kasi yun ang life ko. Kaya siya naging icon sa akin.”
Pati buhay-pag-ibig ng Megastar ay talagang nasubaybayan daw niya bilang fan.
Sabi pa ni Regine kay Sharon: “Then I saw you sa Sharon Cuneta Show, yun yung nag-split na kayo ni…”
Dugtong ni Sharon, “…ni pogi.”
“Kasi Sharon-Gabby [fan] ako,” pag-amin ni Regine.
Natawang hirit ni Sharon, “Ako rin!”
Sa ulat ng YES! Magazine noong 2008, nakasaad na tatlong beses ikinasal sina Sharon at Gabby.
Lihim silang ikinasal via civil rites noong June 23, 1984. Ang sumunod nilang civil wedding ay noong September 10, 1984.
Makalipas ang 13 araw, o noong September 23, 1984, idinaos ang engrandeng kasal ng couple sa Manila Cathedral.
Pero naghiwalay ang couple noong 1987, at opisyal na napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 1994.
Sabi pa ni Regine patungkol kina Sharon at Gabby na reel-and-real-life sweethearts noon, “Fan talaga ako. Lahat ng movies nila napanood ko—sa sinehan.
“So, parang sa akin, kaya ko rin siya naging icon, parang involved ako sa pinagdaanan niya.
“Kinilig-kilig ako [sa love story nila] ta’s parang, ‘Huh?! Tapos na?!’ Ta’s nakita ko siya [sa personal].”
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Hirit uli ni Sharon patungkol sa kanila ng ex-husband na si Gabby, “Ako rin nagulat. Ha? Dyusko, ganun lang?! Ha?! Tapos na?!”
Patuloy ni Regine bilang fan noon, “Di ba, yung naging involved ka. Pati story ng life niya nakita ko, nakita natin kaya siya talaga icon ko.”
Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataong maging malapit sina Regine at Sharon nitong pareho na silang matagumpay sa kani-kanilang karera.
Nagkatarabaho sila para sa una nilang Iconic concert noong 2019.
ON FAMILY AS regine’s GREATEST ACHIEVEMENT
Gagaganapin ang ICONIC concert nina Sharon at Regine sa Mariott Grand Ballroom sa Resorts World Manila sa Pasay City ngayong Biyernes ng gabi, June 17, 2022, at sa Sabado ng gabi, June 18, 2022.
Sa mediacon, tinanong kung ano ang maituturing nilang tagumpay bilang singers.
Pero para kay Regine, mas matimbang ang naitulong niya sa pamilya kaysa kasikatan na nakamtan niya.
“Achievement na yun sa akin na napag-aral ko yung mga kapatid ko. Ngayon matatanda na rin sila, may sarili silang mga anak, naging maganda buhay nila.
“Yung kahit papaano nakatulong ako, achievement na yun sa akin.
“And now I have my own family, ito naman ang inaasikaso ko. Meron akong Nate, may dalawa pa kaming girls ni Ogie.”
Si Nate ay anak ni Regine at mister na si Ogie Alcasid. Ang tinukoy ni Regine na dalawang girls nila ni Ogie ay ang mga anak ni Ogie sa ex-wife na si Michelle Van Eimeren—sina Leila at Sarah Alcasid.
Patuloy ng Asia’s Songbird, “Pagka pala as you get older nag-iiba yung tingin mo kung ano ang achievement.
“Kasi puwede ko naman sabihin, ‘Nakapag-concert ako sa ganito.’ Makakalimutan ko pala yung experience na yun.
“Pero yung matulungan ko yung family ko, di ko malilimot yun, e. Napaka-blessing noon sa akin.”
Sabay hirit ni Regine sa humble beginnings niya, “Kasi madyirap [mahirap] lang ang family ko! Madyirap! Dryness ang skin, walang pambiling lotion!”
SHARON ON HAVING TRUSTED FANS
Bukod sa pamilya, nagpasalamat naman si Sharon sa fans nila ni Regine Velasquez na saksi sa itinakbo ng kanilang karera pati na rin kanilang personal na buhay.
“Napakagaling ng singers ngayon… Pero ang wala pa sila, na darating din sa inyo, is we have a history with our fans.
“People grew up with us, cried with us, laughed with us, supported us when we needed them the most, would tell us lovingly kung medyo may dapat hindi kami ginawang ganun, dapat ganito…
“I respect yung, ‘Ate, dapat ganito…’ Di ako makukuha sa tinatarayan ako… kasi alam ko mas mataray ako.
“Mas nirerespeto ko yung may respetong nagsasabi kasi I see their sincerity. And then I take a look, ‘Oo nga.’
“Mas open kami sa criticisms, kasi minsan you become jaded. Trabaho mo lang ito and you’re doing the same thing over and over again—singing, concerts, TV shows…
“Sometimes you become robotic. It becomes parang default na lang. So someone has to remind you.”
Mas mabuti raw iyong makatanggap ng constructive criticisms kaysa sa makatanggap ng panay papuri lang.
Paliwanag pa ni Sharon: “I have a certain group of fans whom I really trust, ‘Ate, parang di maganda ito.’
“Pag medyo masyado ka nang mayabang that you don’t listen to their advice anymore…
“Kasi ang dapat pinakikinggan mo yung talagang nagmamahal sa iyo, hindi yung nagsi-seek ng approval mo, yung mga yes men.
“Maniniwala ka sa mga nagmamahal sa iyo. Na kahit medyo masakit, takot sila na magsabi, pero sinasabi nila in a respectful way, in a loving way.
“Yun ang meron kami ni Regine with the fans.”