
Sunshine Cruz on “drawing” accusation regarding Kim Chiu’s ambush incident: “Dahil walang natamaan at walang namatay drawing agad?! Grabe naman!”
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram
Dinepensahan ni Sunshine Cruz, 42, si Kim Chiu, 29, sa akusasyong “drawing” lang ang ambush na naganap sa dalaga noong Miyerkules ng umaga, March 4.
Ani Sunshine sa Instagram Story nito kahapon, March 6, “so mean” ang naging pahayag ng dating brodkaster na si Jay Sonza, 64.
Hindi binanggit ni Sunshine ang pangalan ni Jay, pero heto ang nakasaad sa kanyang post, “So mean for someone to conclude na planned ang ambush ng ibang tao….”
Si Sunshine ang gumaganap na ina ni Kim sa Love Thy Woman.
Papunta sa taping ng Love Thy Woman si Kim nang pinaulanan ng walong bala ng baril ang kanyang sinasakyang van sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia sa Quezon City.
Nasa loob ng van si Kim, kasama ang kanyang driver at personal assistant.
Nakaligtas ang tatlo, at walang tinamaan ng bala sa kanila.
Noong Huwebes, March 5, sinabi ni Jay sa Facebook post nito na “isang malaking ‘DRAWING'” ang nangyaring pamamaril kay Kim.
Binanggit din ni Jay na marami raw butas sa salaysay ni Kim, na isa sa mga bankable stars ng Kapamilya network at produkto ng 2006 Pinoy Big Brother: Teen Edition.
Ayon pa sa dating brodkaster, na minsang nagtrabaho sa ABS-CBN at kalaunan ay lumipat sa GMA-7, “unbelievable” ang nangyaring ambush kay Kim at malamang daw ay writer ng ABS-CBN prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano ang gumawa ng kuwento.
Ang buwelta ni Sunshine: Dahil ba walang natamaan at walang namatay ay “drawing” na agad ang nangyaring ambush?
Heto ang continuation ng kanyang pahayag sa IG Story:
“And yes, sa umaga, kapag 6am ang call time namin, usually bumabalik kami sa pagtulog sa loob ng van. Hindi unusual na gawain yan.
“Dahil walang natamaan at walang namatay drawing agad?! Grabe naman!”

Sa kasalukuyan ay patuloy na iniimbestigahan ng pulis at ABS-CBN ang nangyaring pamamaril sa sinasakyang van ni Kim.
Batay sa police report, tinukoy ng driver ni Kim na dalawang hindi kilalang lalaking sakay ng motorsiklo ang tumambang sa kanila.
Pagkatapos ng nangyaring pamamaril ay dumiretso si Kim sa set ng Love Thy Woman at nakapag-tape pa ng dalawang eksena bago tuluyang nag-sink in ang nangyari sa kanya.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load