HOT: Jake Cuenca details intimate scene with Arci in a...that made her suffer./hi - News

HOT: Jake Cuenca details intimate scene with Arci ...

HOT: Jake Cuenca details intimate scene with Arci in a…that made her suffer./hi

DAHIL sa Pasion de Amor ay nabuo ang barkadahan ng lead actors na sina Jake Cuenca, Ejay Falcon at Joseph Marco. Sa finale/thanksgiving presscon, talaga namang kapansin-pansin ang kakulitan ng tatlo.

Tawanan ang lahat ng dumalo sa mga tanong sa kanila tungkol sa love scenes na parang “wa’ epek” naman daw sa leading ladies nilang sina Coleen Garcia, Arci Muñoz at Ellen Adarna na tipong “pa-virgin epek” pa rin daw, huh!

Nang may magtanong kung nagkaroon ba ng “sexual tension” habang ginagawa nila ang sangkaterbang love scenes sa Passion de Amor, umamin agad si Jake na kailangan daw iyon para mas epektibo ang ginagawa niyang intimate scenes.

Jake Cuenca, may sey na sa real score nila Chie Filomeno!-Balita

 

“Ako, sa eksena namin ni Arci, kailangang para mag-work ang eksenang ‘yun, there has to be sexual tension. ‘Pag kaeksena ko si Arci, nabibighani ako sa kagandahan niya. May halong kaba ‘yun, may halong, wow, ‘eto na ‘yung oportunidad na mahahalikan ko ‘yung babaeng mahal ko sa istorya.

“So, para sa akin, ha, ako, every scene na ginagawa ko with her, nagpapasalamat ako doing that scene with her, ganu’n ako kasuwerte na naka-partner ko si Arci,” sagot ni Jake.

Ikinakambyo lang daw niya para makontrol ang naramdaman niya sa eksena

Kumbaga, kambyo-kontrol, segunda, tersera,” napatawa ring sagot ni Jake.

Hindi rin ipinagkaila ni Jake na may mga pagkakataon na nahihirapan siyang makontrol ang ganoong klaseng emosyon. May mga nangyayari raw na talagang naiiba ang mga eksena nila at mas nagiging sexy talaga.

“Minsan nga, eh, nakalimutan kong eksena pala ‘yun at hindi totoo. Kumbaga, doon parang naiiba ang kissing scene na ‘yun kaysa kissing scene ng ibang show,” dagdag pa ni Jake.

Naitanong tuloy kay Arci kung naramdaman ba niya na tinototoo na ni Jake ang mga eksena nila.

“Eh, siguro kaya magandang lumabas ‘yung mga eksena namin kasi medyo nalalagyan naman ng konting katotohanan. Wala namang malisya. Pero bakit, guwapo naman si Cuencers (tawag niya kay Jake), may mga abs pa ‘yan,” napatawang sagot ni Arci.

May attraction ba sa kanya si Jake Cuenca?

“Well, guwapo naman si Cuencers at sobrang bait pero ano kami niyan, brothers. Pero malay mo naman, mahaba pa naman, isang buwan pa ang Pasion at saka malay mo, mayroon pa ulit kaming project ni Jake,” nakangiting lahad ng magandang aktres.

Sa February 26 na magtatapos ang Pasion de Amor at masaya ang cast dahil magtatapos ito na mataas ang ratings pero malungkot naman dahil mami-miss nila ang bawat isa. Almost one year silang magkakasama sa serye.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…