Kim Chiu on lack of remorse of Juliana in Linlang: “Kalaban ko lagi ang sarili ko.”
Kim Chiu credits creator of Linlang for her credible portrayal of Juliana.
Kim Chiu on commendable portrayal as Juliana in Linlang: “Nagpapasalamat ako sa mga direktor ko dahil pinapa-ulit nila sa akin malav nagki-Kim Chiu levels ‘yung anak ko, ‘Uyy, Kim Chiu ‘yan, ulitin natin.’ So, ang tyaga-tyaga nila sa akin para maging Juliana ako.”
PHOTO/S: ABS-CBN PR / Screengrab from Prime Video YT
Muling nabuhay ang “haters” ni Kim Chiu sa social media.
But this time, kakaibang hate ang natatanggap ni Kim mula sa karakter niya na si Juliana sa Linlang.
Umiikot ang kuwento sa pagtataksil ni Juliana sa asawa na si Victor (Paulo Avelino), at pakikiapid sa kapatid ni Victor na si Alex (JM de Guzman).
“Eto yung masasabi ko na hate message that I love. Kasi siyempre sa career ko, sa social media platform, hindi naman malabo na naba-bash ka, e.
“Lalo na nung 2020 na muntik na akong umalis ng Pilipinas. Yun, ayaw ko talaga yun,” lahad ni Kim.
Ang tinutukoy niyang isyu na binatikos siya nang husto ay iyong statement niya na “bawal lumabas” noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Patuloy niya, “So, ngayon, eto na yung pinakagusto ko. Masaya talaga ako sa hate, this kind of hate na natatanggap ko.”
Paulit-ulit ang pasasalamat ni Kim sa creators ng serye na pinulido raw ang kanyang mga eksena.
“Nagpapasalamat ako sa mga direktor ko dahil pinapaulit nila sa akin kapag nagki-Kim Chiu levels ‘yung arte ko, ‘Uy, Kim Chiu yan, ulitin natin.’
“So, ang tyaga-tyaga nila sa akin para maging Juliana ako. Kaya malaki rin ang pasasalamat ko sa writers, sa creatives, sa directors namin.
“Sa lahat actually ng bumubuo ng Linlang kasi eto yung hate na nagustuhan ko. Keep on coming! Hahaha!”
ON INTERNALIZING HER ROLE AS JULIANA
Mismong si Kim ay nagugulat kapag pinapanood ang sarili sa Linlang.
“For the longest time hindi ko naiiisip na gagawin ko ‘to. May tamang timing pala sa lahat ng bagay.
“So, I guess, nagpapasalamat din pala ako sa Dreamscape na binigay nila sa akjn itong role na ‘to.
“And then, nag-explore at tumaya sila sa akin as Julianna. Nainis din ako sa kanya,” sabay tawang saad ni Kim.
Ilan sa mga nakakagigil na eksena ni Kim ay iyong pagbubulag-bulagan niya sa pagkakamaling nagawa, at paninisi kay Victor sa pagkawasak ng kanilang pamilya.
“Kaya nga kalaban ko lagi ang sarili ko. Kasi, kapag umaarte, ‘Parang, eto naman, mali ka na nga… Nakakasakit ka na. Pero itutuloy mo pa rin!’
“Pero siyempre, kailangan kong maniwala sa ginagawa ni Julianna para pag inarte ko siya, magagalit talaga kayo.”
Ngayong Nobyembre 9 eere ang episodes 11 & 12 ng Linlang, kunsaan mapapanood ang bagong buhay ni Victor matapos ang limang taong pagkakakulong dahil sa salang pagpatay sa misis ni Alex na si Sylvia (Kaila Estrada).
Paano maghihiganti si Victor sa mga taong may atraso sa kanya? Ano ang gagawin nina Alex at Juliana ngayong nagbabalik si Victor?