Shocking: Mrrian Rivera answered an interview about her husband Dingdong Dantes in a sexy outfit, she even blatantly adjusted her shirt’s chest, making the person in front of her blush/th

Marian Rivera admits being hurt by “plastikada” jab of veteran writer

Dingdong Dantes expresses support for Marian.

“Alam ko kasi sa pagiging suplada ko, sa pagiging maldita ko, nasa lugar naman ako. At aminado naman ako do’n, di ba? Pero yung plastic, never akong naging plastic,” Marian defends herself against accusation that she’s a hypocrite.

Ilang araw pagkatapos niyang umiyak sa presscon ng Desperadas 2, nakangiti nang humarap sa media ang aktres na si Marian Rivera sa red carpet premiere ng pelikula noong December 19 sa SM Megamall.

Matatandaang sa presscon ng Desperadas 2 noong December 15 ay hindi napigilan ni Marian na umiyak nang tanungin ang kanyang reaksiyon tungkol sa “meaningful smile” ni Karylle sa The Buzz noong December 14. Tinanong kasi ni Boy Abunda si Karylle kung totoong buntis si Marian, pero isang ngiti lamang ang ibinigay ng ex-girlfriend ni Dingdong Dantes.

Pero paliwanag naman ni Karylle, iniisip pa lang niya ang kanyang sagot nang biglang putulin ni Boy ang interview sa kanya.

Sa panayam ng Startalk kay Marian sa premiere night ng Desperadas 2, umiwas nang pag-usapan ni Marian kung anuman ang nangyari.

“Tama na yun. Nasabi ko na, tama na yun. ‘Tsaka pinapaubaya ko na lang sa Diyos yun. Basta ako, nasabi ko na lahat. Okay na ako dun, tama na yun,” sabi ng aktres.

Pero inamin niya rin na nakadagdag sa kanyang emosyon ang harap-harapang pagtawag sa kanya ng “plastikada” ng veteran entertainment writer na si Ernie Pecho.

Ani Marian, “Siguro kahit sino namang tao, harap-harapan na nasa presscon ka tapos gaganunin ka, siguro kahit sino namang lumagay sa katayuan ko, mararamdaman din po yun.

“Alam ko kasi sa pagiging suplada ko, sa pagiging maldita ko, nasa lugar naman ako. At aminado naman ako do’n, di ba? Pero yung plastic, never akong naging plastic,” mariing sabi ng aktres.

Nagbigay rin ng mensahe si Marian para sa kanyang detractors.

“Siguro ano din, hinihingi ko na lang din na maiwasan. Kasi hindi naman lahat ng tao mapi-please mo talaga, di ba? So, pinapangalagaan ko lang yung mga taong nagmamahal sa akin. At saka mahirap ipaliwanag yung nararamdaman mo, e. Sobrang dami kong kontratang iniingatan kaya nung lumabas yung issue na yun, nasaktan ako. Kasi, madami talaga, e,” pahayag ni Marian.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News