REVEALED : Ikinuwento ni Ricky Lo ang kanyang nalalaman tungkol sa breakup ni Dingdong-Karylle na isang malaking sabwatan...?/hi - News

REVEALED : Ikinuwento ni Ricky Lo ang kanyang nala...

REVEALED : Ikinuwento ni Ricky Lo ang kanyang nalalaman tungkol sa breakup ni Dingdong-Karylle na isang malaking sabwatan…?/hi

Ricky Lo tells what he knows about the Dingdong-Karylle breakup

Ricky said Dingdong and Karylle’s schedules prevent them from appearing together to talk about their breakup.

Veteran showbiz columnist Ricky Lo (main photo) tells what he knows about the breakup between Dingdong Dantes (middle left) and Karylle (upper left). When asked if he thinks Dingdong’s onscreen love team with Marian Rivera (lower left) is a factor in the breakup, Ricky said: “Sa palagay ko, kung may factor man, e, konting-konti.”

May pagkaemosyonal ang dating ng segment ng Startalk kanina, November 8, sa naganap na breakup sa pagitan nina Dingdong Dantes at Karylle.

Inumpisahan ito ng Startalk sa pagpapakita ng episode ng show noong April 23, 2005, kunsaan sabay na umamin ng live sa panayam ni Joey de Leon sina Dingdong at Karylle confirming their relationship.

Today, ang tungkol naman sa breakup ng dalawa ang featured episode ng Startalk kunsaan live guest pa ang Philippine Star columnist na si Ricky Lo na siyang pinagtapatan nina Dingdong at Karylle ng tunay na status ng kanilang relasyon.

CONFLICTING SCHEDULES. Tinanong ni Butch Francisco si Ricky kung totoo raw ba na talagang hindi lang mag-swak ang schedule nina Dingdong at Karylle kung kaya’t hindi sila nagkasabay at nagkasamang ma-interview o talagang ayaw lang nilang magkasamang mag-guest.

“Hindi mag-swak ang schedule,” pagkumpirma naman ni Ricky. “At saka, si Karylle, medyo hindi pa siya reding-ready na magsalita until three days ago.”

Tanong naman ni Lolit Solis, “Akala ko ba, sabi ni Dingdong, ang humiling daw na sabay silang magpa-interview sa ‘yo ay si Karylle?”

“Nag-usap silang dalawa, ‘tapos, ang agreement nila, together sila magpa-interview, face to face. E, nasa L.A. ako noon. Ininterbyu ko yung mga stars ng High School Musical at saka si Daniel Craig of Quantom of Solace.

“Nag-text si Dingdong, ‘Tito Ricky, nasaan ka?’ So, I said, ‘I’m here in Beverly Hills, Four Seasons.’ Binigay ko yung number dun, tumawag siya. At ‘tapos, sinabi nga niyang, ‘Gusto naming magpa-interview ni Karylle.’ Sinabi ko na, ‘October 25, nandiyan na ‘ko.’

“Nag-set kami ng October 26, Sunday. Pagdating ng Sunday, nagkaroon ng root canal si Karylle, so, hindi natuloy ang interview. Na-postpone nang na-postpone. Sabay sila.

“Mauuna yung isa. ‘Tapos sabi ko, ‘Ano ba ‘yan? It’s all over the papers already. Kulang na lang ay yung kumpirmasyon n’yo.’

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…