Who is Wang Xiaofei, Barbie Hsu’s controversial ex-husband?
His net worth, business ventures, and present wife
Wang Xiaofei (R) becomes controversial following the death of his ex-wife, Metor Garden star Barbie Hsu.
PHOTO/S: Screen Grab from Dimsum Daily; Wang Xiaofei on Weibo
Naging laman ng mga balita si Wang Xiaofei matapos bawian ng buhay ang ex-wife niyang si Barbie Hsu.
Nagpakasal sina Barbie at Wang sa Sanya, China, noong March 22, 2011, at naghiwalay noong 2021 dahil sa “irreconcillable differences.”
Sa pagkamatay ni Barbie noong February 2, 2025, isa si Wang sa mga unang nagbigay ng reaksiyon.
Emosyunal siya noong nakapanayam ng media sa Taiwan Taoyuan International Airport noong February 3.
Aniya, “Barbie Hsu will always be family.”
Ayon sa Hong Kong viral media platform na Dimsum Daily, humiling daw siya na: “speak kindly of Barbie.”
Wang Xiaofei and Barbie Hsu got married in 2011, and divorced in 2021.
Photo/s: Hsu Studio’s Weibo
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sa mga sumunod na araw, marami pang balita tungkol kay Wang ang lumabas sa media. Ilan dito ay tungkol sa comment niyang nami-miss ang ex-wife pati na rin ang diumano’y pagbabayad ng jet na siyang nagdala ng ashes ni Babrie mula sa Japan patungong Taiwan.
Inakusahan tuloy siya ng fans na ini-exploit ang pagkamatay ng Taiwanese superstar “to potentially stake a claim to her assets,” ulat ng Vietnamese online newspaper na VnExpress.
Kasal si Barbie sa South Korean DJ and singer na si Koo Jun-yup.
Pero dahil si Wang ang ama ng mga anak ni Barbie, posibleng siya ang mag-manage ng share of inheritance nila—ayon sa Taiwanese lawyer na si Lu Chiou Yuan sa report ng Dimsum Daily.
Tinatayang may naiwang mahigit na 1.76 billion pesos ang aktres.
At dahil kontrobersiyal ngayon si Wang, nagkaroon ng interes ang netizens tungkol sa kanya.
Narito ang ilang impormasyon.
WANG XIAOFEI: NET WORTH
Ayon sa unverified report ng non-profit news organization sa Michigan, USA, na Chemical City Paper, nasa US$1.2 billion o 69.6 billion pesos, ang net worth ni Wang.
BUSINESSES
Nakuha niya ito mula sa iba’t-ibang mga negosyo, kasama ang South Beauty, na isang malaking luxury restaurant company.
HOTEL
May mga investments din siya sa hotel at real estate.
Siya ang dating may-ari ng luxury hotel chain na S Hotel.
Ipinatayo niya ito noong 2017, bilang regalo kay Barbie, na kilala rin bilang Big S kaya’t S Hotel ang naging pangalan nito.
Ibinenta niya ito taong 2024.
WANG XIAOFEI: WEALTHY BEGINNINGS
Lumaking may kaya si Wang, na ipinanganak noong June 27, 1981.
Minana niya ang South Beauty mula sa kanyang ina na si Zhang Lan.
Ayon sa Fine Dining Explorer, si Zhang ay isa sa mga pinakamayamang babae sa China.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang unang brand ng South Beauty ay binuksan niya noong 1991.
Sa ngayon ay mayroon na itong 50 branches sa giant country.
TWO KIDS WITH BARBIE
Si Wang ay may dalawang anak—isang 10-year-old girl at isang 8-year-old boy—kay Barbie.
Nang maghiwalay ang Chinese couple noong 2021, nakuha ni Barbie ang custody ng mga anak.
Ngayong pumanaw na si Barbie, inaasahang makukuha ni Wang ang custody sa mga bata.
WANG’s BITTER DISPUTES WITH BARBIE
Nagkaroon ng on-and-off feud ang dalawa sa loob ng maraming taon taon.
Noong November 2022, inakusahan ni Barbie si Wang ng hindi pagbabayad ng spousal support.
Aniya, umabot na raw sa mahigit US$150,000 o 8.7 million pesos ang hindi nababayarang obligasyon ni Wang sa kanya at sa mga anak.
Ani Wang, nagbabayad naman siya ng child support, pero dahil may bagong asawa na si Barbie, itinigil na raw niya.
Pinakasalan ni Barbie si DJ Koo, dati niyang ex-boyfriend, noong February 2022, ilang buwan matapos ma-finalize ang divorce kay Wang.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Taong 2024, sa social-media platforms na Weibo at Douyin, inakusahan ni Barbie si Wang ng cheating, pananakit, at hindi pagbabayad nang buo sa utang.
Isa sa mga mabibigat na rebelasyon niya: Si Wang ang dahilan ng kanyang two miscarriages.
Bawat paratang ni Barbie ay sinagot din ni Wang sa social-media.
Ipinost pa nito ang kanilang divorce agreement, kung saan nakalagay ang pangalan at bank account numbers ng Meteor Garden female lead, na nagpasyang idemanda si Wang dahil sa violation ng Personal Data Protection Act.
Idinemanda rin ni Barbie si Wang ng defamation noong November 2024.
WANG XIAOFEI’s NEW WIFE
Tatlong taon matapos ang hiwalayan nila Barbie ay nakahanap si Wang ng bagong pag-ibig.
Ito ay si Mandy Ma, isang Taiwanese influencer at beauty consultant.
Nagpakasal sila noong May 2024.