Habang 39 scripts naman ang nauna nilang natanggap kung saan nauna silang namili ng lima pa.
Thirty one finished films ang pinagpilian sa limang additional official entries na bumuo sa Magic 10 sa magaganap na 50th edition ng Metro Manila Film Festival ngayong 2024.
Habang 39 scripts naman ang nauna nilang natanggap kung saan nauna silang namili ng lima pa.
Kaya sa kabuuan, 70 na pelikula ang natanggap ng MMFF ngayong taon pero sampu lang ang mapapanood sa December 25.
Nauna nang napili ang limang pelikula na base sa script – The Kingdom, Green Bones, Strange Frequencies: Haunted Hospital, Himala: The Musical, at ang And The Breadwinner is…
Ang lima pang pelikula sa finished films category ay ang sumusunod : My Future You – Regal Films; Uninvited – Mentorque; Topak – Nathan Studios; Hold Me Close – Viva Films and Espantaho – Quantum Films.
Ginanap ang annoucement ng limang entries para sa nalalapit nitong 50th edition sa isang press conference kahapon.
Pinangunahan naman ang annoucement ng additional five entries ni former Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, habang may representative ang lahat ng production ng Magic 10 entries.
Kabilang sa mga dumating si Vice Ganda na nangakong mas sisipagan pa ang pagpo-promote ng pelikula niyang And The Breadwinner Is…
Inasahan naman kahapon ang pagkakasali ng pelikula nina Vilma Santos (Uninvited) and Judy Ann Santos (Espantaho) na parehong horror / thriller ang tema.
Sina Carlo Aquino and Julia Montes ang bida sa Hold Me Close na sa Japan pa nag-shooting habang My Future You ng Regal Films nina Francine Diaz and Seth Fedelin ay naging comeback ng kumpanya ng namayapang si Mother Lily Monteverde na ngayon ay pinamamahalaan ni Roselle Monteverde after four years.
Bukod sa annoucement ng five additional entries, ipinakita na rin kahapon ang bagong trophy alinsunod sa pagdiriwang ng milestone year nito na ginawa ng kilalang Filipino artist na si Jefré. Ang kanyang makabagong disenyo ay nagbibigay-pugay sa makasaysayang paglalakbay ng sinehan sa Pilipinas at sa magandang kinabukasan nito, na sumisimbolo sa tagumpay ng MMFF.
Ang MMFF ay nananatiling mahalagang plataporma para sa pagpapakita ng de kalidad na pelikulang Tagalog at pagtataguyod ng lokal na industriya. “Habang ginugunita natin ang ating ika-50 taon, nagbabalik-tanaw tayo nang may pagmamalaki sa pag-unlad at mga nagawa ng MMFF. Pero higit sa lahat, inaabangan natin ang kinabukasan na nakatutulong ito sa paghubog ng isa kung saan ang pelikulang Pilipino ay patuloy na umuunlad at nagbibigay inspirasyon,” sabi ni MMFF chairperson Atty. Romando Artes kahapon.