Vice Ganda takes a swipe at those who apologized after his issue with Karylle: “Hoy, wag nga tayong magplastikan.”
Vice Ganda: “Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitanKarylle and Vice Ganda speak up about the issue they got involved in last February 2023. Vice Ganda was criticized by netizens beause of his jokes to Karylle, which netizens interpreted as being “disrespectful” to Karylle.Binanatan ni Vice Ganda ang mga “nakisakay” sa gitna ng isyung kinasangkutan nila ni Karylle noong February 2, 2023.
Tinawag pa niyang “plastic” at “bait-baitan” ang iba na aniya’y nag-message pa sa kanya at humingi ng sorry.
Sabi ni Vice, ang mga sumakay ang dahilan kaya lumaki ang naging isyu nila ni Karylle.
Sina Vice at Karylle ay co-hosts sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
VICE AND KARYLLE’S ISSUE IN FEBRUARY 2023
Pinag-usapan at naging trending sina Vice at Karylle dahil sa nangyari sa episode ng It’s Showtime noong February 2, 2023.
Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang “pambabara” at “pag-disrespect” umano ni Vice kay Karylle sa episode na iyon.
Sa tingin nila, tuwing may sinasabi si Karylle ay binabara o tinatabla siya ni Vice.
Ang ganitong uri ng komedya ni Vice ay hindi na bago sa pakikipagbiruan niya kahit sa ibang co-hosts sa noontime show.
Pero maraming netizens ang hindi ito nagustuhan at ipinagtanggol si Karylle.
Nag-tweet si Vice at inamin ang kanyang “sablay.” Nag-sorry rin daw siya kay Karylle
Sa kasagsagan ng isyu, isa si Kim Atienza—dating It’s Showtime host—sa nag-tweet at nagpakita ng suporta kay Karylle.
Ni-like din ni Kim ang tweets na pumuna sa ginawa ni Vice. Nag-post din ng pagsuporta kay Karylle noon si Dawn Chang.
Sa sumunod na episode ng It’s Showtime, nilinaw nina Vice at Karylle na okay sila.
Pinatutsadahan pa ni Vice ang “kuya” na sumakay raw sa isyu para maging trending din.
Bagamat walang pangalang binanggit, malinaw na ang tinutukoy niya ay si Kuya Kim
KARYLLE OPENS UP ABOUT ISSUE WITH VICE
Sa isyung iyon ay tahimik lang si Karylle at ang tanging sinabi ay okay sila ni Vice.
Pero nag-open up si Karylle tungkol sa minsan ay tampuhan nila ni Vice sa episode ng It’s Showtime noong March 31, 2023, kaarawan din ni Vice.
Para sa kanyang birthday message kay Vice, binanggit ni Karylle na minsan ay nagkakaroon sila ng di pagkakaunawaan.
Sabi ni Karylle: “Sa lahat ng di natin pinagkakaintindihan, na pinapagulo ng ibang tao, I’m happy na meron akong direct line to your heart.”
Tumango si Vice sa sinabi ni Karylle.
Patuloy ni Karylle: “And thank you for… kahit ano mang sabihin nilang magulo o itanim sa puso natin, one minute man na masakit siya, naiintindihan nating dalawa…”
Ayon pa kay Karylle, maaaring may maiiksing tampuhan sila ni Vice na mabilis nilang naaayos, subalit gumugulo dahil sa panghihimasok ng ibang tao.
“Naayos natin yon kasi nga may direct line sa ating nga puso.”
Sabi pa ni Karylle sa mga nakikisali o nakikisawsaw: “Hindi niyo kami magugulo. One minute lang. One minute niyo lang kami magugulo.”
VICE SLAMS THE “PLASTIC AND BAIT-BAITAN”
Matapos magsalita ni Karylle ay nagbigay ng kanyang pahayag si Vice.
Dito niya binuweltahan ang mga taong nagpagulo umano sa pangyayaring iyon.
Sabi ni Vice, “Recently lang iyon, e… Naniwala akong may problema kami [ni Karylle], tapos tumakbo ako sa kanya, tapos nag-apologize ako. Wala pala kaming problema.
“Ginawan niyo kami ng problema, tapos naniwala tuloy ako.
“Wala pala kaming problema. Ay, itong mga tao, let’s just chill,” ani Vice.
Patutsada pa niya: “May mga gumawa ng gulo, tapos may mga sumakay, may mga nagpalaki. Yung mga ganyan… kasi nga may mga nakisakay.”
Dito binanggit ni Vice na may nakisakay sa isyu at kalaunan ay nag-message sa kanya at humingi ng sorry.
Pagbubunyag ni Vice: “Kasi nga nakakaloka dito sa mga nakisakay, biglang magte-text pa, tapos magti-text ng, ‘I didn’t mean to hurt you.’
“Sagutin ko nga, ‘Hoy, wag nga tayong magplastikan. You meant to hurt me,’ di ba?
“Let’s cut the cycle of plastikan, of bait-baitan.
“Kung mabait, mabait. Pero hindi maganda yung bait-[baitan].
“Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan. Let’s be real, di ba?”
Patuloy ng TV host-comedian, “If we are mabait, then continue to being mabait, but let’s not bait-baitan. Arggh! Kadiri. Nandidiri talaga ako sa ganyan.
“Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan. Let’s just chill and be ourselves.”