BREAKING NEWS: New evidence reveals which artists are into Paulo Avelino! - News

BREAKING NEWS: New evidence reveals which artists ...

BREAKING NEWS: New evidence reveals which artists are into Paulo Avelino!

Kilalanin Ang Mga Artistang May Gusto Kay Paulo Avelino!

Kilala ang aktor na si Paulo Avelino sa kanyang galing sa pag-arte mapabida man o kontrabida ang papel na kanyang ginagampanan. Bukod pa rito, kilala rin si Paulo Avelino bilang isang misteryoso, mabait, tahimik, mapagbigay at higit sa lahat gwapo. 

Dahil dito, hindi na kataka-taka na maraming mga kababaihan mapa showbiz o non-showbiz man ang nahuhumaling sa kanya gusto siyang makatrabaho at aminadong may crush sa kanya.

Narito ang ilang mga kababaihan sa showbiz industry na aminadong may crush kay Paulo Avelino at nangangarap na makasama ang aktor sa iisang project.

Sanya Lopez

 

Isa si Sanya Lopez sa sikat na mga artista sa Kapuso Network Si Sanya Lopez ay maganda, morena, sexy at isang magaling na artista. Sa isang panayam, inamin ni Sanya Lopez na na starstruck siya kay Paulo Avelino dahil sa taglay nitong kagwapuhan.

Ayon kay Sanya Lopez, hindi lamang gwapo si Paulo Avelino, tahimik rin ito, napakabait at napakamapagbigay sa kanyang mga naging katrabaho.

Jane De Leon

 

Si Jane De Leon ay isang Kapamilya actress na gumanap bilang Darna noong 2022. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nakakabighani ang angking kagandahan ni Jane De Leon. Samantala, sa isang panayam inamin ni Jane De Leon na kung may isang aktor siya na gustong makasama sa trabaho ito ay walang iba kundi si Paulo Avelino.

Ivana Alawi

 

Ang sexy actress na si Ivana Alawi ay unang nakikilala bilang isang sikat na YouTuber. Sumikat si Ivana Alawi sa kasagsagan ng pandemya. Marami ang huminga kay Ivana Alawi dahil sa angkin nitong kagandahan at kaseksihan. Bukod pa rito, kilala rin si Ivana Alawa dahil sa kanyang kabaitan.

Sa isa sa naging vlog nila noon ng kanyang kapatid, naitanong nito kay Ivana Alawi kung sino ang kanyang local celebrity crush, inihayag ni Ivana na si Paulo Avelino ito. Inamin rin niya sa kaparehong vlog na gusto niya ang mga lalaking mabango at malinis sa katawan.

Barbie Imperial

 

Kilala si Barbie Imperial sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan. Isa rin siya sa mga maituturi na hot celebrity ngayon at complete package na rin umano ito, maganda, sexy at magaling umarte.

Sa isang panayam noon, inamin ni Barbie Imperial na isa sa mga gusto niyang makatrabaho ay si Paulo Avelino.

Lovi Poe

 

Kilala si Lovi Poe bilang isang magaling na artista sa larangan ng showbiz. Matagal na rin ito sa showbiz industry at naging leading lady na ng mga sikat at gwapong artista.

Subalit, sa isang panayam inamin ni Lovi Poe na gusto niyang makatrabaho ang aktor na si Paulo Avelino.

Rhen Escano

 

Si Rhen Escano ay isang artista sa Kapuso network, sa isang panayam inamin niya na gusto niyang makasama sa iisang project si Paulo Avelino dahil ang mga katulad nitong magaling ang gusto niyang makasama at maging ka-loveteam.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…