Sa latest Instagram post ni Kris Aquino isiniwalat n’yang maayos nang muli ang relasyon nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste at dahil umano iyon sa anak niyang si Bimbi. Si VG Mark din umano ang naging tulay para madalaw s’ya ni Kim Chiu.

PHOTOS: @krisaquino on Instagram & @markleviste on Facebook

Sa latest Instagram post ni Kris Aquino isiniwalat n’yang maayos nang muli ang relasyon nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste at dahil umano iyon sa anak niyang si Bimbi. Si VG Mark din umano ang naging tulay para madalaw s’ya ni Kim Chiu.

Reunited ang Etiquette for Mistresses and All You Need Is Pag-ibig co-stars na sina Kris Aquino at Kim Chiu!

Nagkaroon kasi ng pagkakataon si Kim na madalaw sa Amerika ang kanyang Ate Kris na kasalukuyang nagpapagaling mula sa mga iniinda n’yang autoimmune diseases.

Ikinatuwa ng Queen of All Media ang pagbisita ni Kim sa kanya. Talagang naglaan daw kasi ng oras ang aktres na makita s’ya habang nasa California ito.

“All i can say is i love you, i super appreciate your effort to visit, and even if it was a gloomy day, you were the much needed reminder that after all the storms, we can look forward to a RAINBOW [Rainbow emoji],” mensahe ni Kris kay Kim sa kanyang Instagram post ngayong araw.

Kalakip nito ang short video ng pagdating ni Kim sa bahay n’ya roon. Makikita doon na sinalubong n’ya ito at ng panganay n’yang si Josh.

Ayon pa kay Kris, tila nabawasan daw ang sakit na nararamdaman n’ya mula sa mga injections nang makita n’ya ang Kapamilya actress-TV host kaya naman welcome umano itong magtagal doon sa susunod nitong pagbisita.

“[I]’ve missed you, as in SUPER. 50% less yung sakit nung biological injectable ko at 1 PM after seeing you, please visit again & often? Diba may bedroom ka na?” paanyaya n’ya kay Kim.

Sayang at hindi raw ito inabutan doon ng second son n’yang si Bimbi.

“Thank you for until now (16 years & counting) genuinely caring for & trusting me; super sad your ka-birthday because he arrived 10 mins after you left,” aniya.

Sa IG post din na ito ni Kris isiniwalat n’yang maayos nang muli ang relasyon nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste. Katunayan, ito pa nga raw ang kumuha ng video ni Kim nang dinalaw s’ya ng aktres.

“Videographer & the person kimmy’s ate contacted to coordinate was vice gov @markleviste- we’ve both learned from our mistakes…with God’s help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin,” lahad ni Kris.

“Thank you bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment,” she added.

Nagpasalamat din ang actress-TV host sa lahat ng mga nagdadasal para sa kanyang paggaling. Effective daw kasi ang mga dasal kaya’t gumaganda na raw ang lagay n’ya.

“Thank you to all of you who are praying for me, slowly gumaganda my numbers. That’s because of the power of our collective prayers. God’s rewarding our #faith,” magandang balita ni Kris.

“Roughly 15 more months of treatment, but i’m alive and hopeful; tuloy ang LABAN, bawal sumuko. #grateful,” pagtatapos n’ya.