
Kung maingay na pinag-uusapan ang proyektong ginagawa nina KC Concepcion at Richard Gutierrez para sa Star Cinema, may bulung-bulungan naman tungkol sa pelikulang pagtatambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA Films.Sa June 13 presscon ng Gran Matador Brandy, na ini-endorse ni Dingdong, may balita na malapit na raw silang magsimula ni Marian ng first team-up nila sa big screen.
“Hindi ko alam,” sabi ni Dingdong. “Actually, ayoko munang pag-usapan ito dahil nagkaroon dati ng playdate, e. So until meron talagang specific, siguradong mangyayari at nag-shoot na kami, parang ayoko munang pangunahan. Pero siyempre, everything is possible. Baka puwedeng before that, may iba pa. Hindi ko alam.”
Hindi naman kaya naapektuhan ang movie na gagawin nila ni Marian ng pelikula nina KC at Richard sa GMA Films?
“Tingin ko naman wala, kasi Star [Cinema] yun, e. Kung anuman, hindi ko talaga alam. But from what I know, it’s from ABS-CBN ang film outfit, Star Cinema. Hindi ako sigurado diyan. Siguro sila ang makakasagot niyan,” pahayag ni Dingdong.
May balita rin na gagawa siya ng isang digital movie. Totoo ba?
“Gusto ko, hindi ako magdidirek. Gusto ko, ako ang aarte,” saad niya.
Sinabi rin ni Dingdong na sa ngayon ay okey na sila sa set ng Dyesebel pagkatapos ng nangyari kay Marian, kung saan ang pakikipagtalo ng young actress sa isang fan ay ikinalat sa YouTube. Naging maingat na ba sila ngayon sa set?
“Nagiging joke na nga, e,” sabi niya. “Minsan, kapag medyo may ano, ‘Oppss, walang ano, ha.’ Mga ganun-ganun na lang, running joke na lang siya. Maganda na rin ngayon na pinagtatawanan na lang. Ibig sabihin, tapos na.”
BENCH FASHION SHOW. Sa ngayon, naghahanda na si Dingdong para sa nalalapit na selebrasyon ng kanyang kaarawan on August 2 at ang opening ng branch ng Centerstage sa Jupiter St., Makati.
“At Day Two na ako ngayon sa aking umpisa para sa prepariton for the July Bench [fashion] show,” pahabol niya.
Kaya ba nagda-diet siya ngayon?
“Hindi lang yun. Marami pa akong…yung dati kong proseso, ginagawa ko ‘tapos may iba pa.”
May ideya na ba siya kung ano ang isusuot niya sa Bench fashion show?
“Actually, wala akong idea sa mga nakaraang fashion show nila,” sambit ni Dingdong. “Pero nagtitiwala ako sa kanila na kung anuman yun, yung mga people involved will do it with taste and ikukunsulta naman nila kami. Pero sa ngayon, wala pa.”
Sa nakaraang fashion show ng Bench ay nagkaroon ng butt exposure si Wendell. Willing ba siyang gawin din ang gano’n sa nalalapit na Bench show?
“Hindi ko siguro kaya yun. But I salute Wendell for doing that. But ako, personally, siyempre to each his own. Kay Wendell yun,” saad ng young actor.
Since si Dingdong ang image model ng male underwear ng Bench, siguradong pagsuutin siya ng brief. Anong klaseng brief ba ang isusuot niya sa fashion show?
“Hindi ko talaga alam,” sagot niya. “Kasi nga, nabalitaan ko nga rin yun, pero hindi pa ako nakakita. But I believe naman na kung ano ang ipapasuot nila doon, it’s gonna be stylized. May konspeto, may theme.”
Yayayain ba niyang manood ng fashion show ang girlfriend niya na si Karylle, na unang na-shock nang makita ang mga pictures niya na naka-brief?
“Why not? Kung nandito siya, oo naman,” ani Dingdong.
Hindi kaya lalong ma-shock si Karylle kapag nanood siya ng Bench fashion show nila?
“Hindi naman,” sambit ni Dingdong.
News
Vice Ganda Furious at Contestant Who Pretended to Be an Ex in ‘It’s Showtime’ (ch)
In a dramatic turn of events that left the viewers of It’s Showtime in disbelief, Vice Ganda, the beloved host and comedian, lost his cool on stage after a contestant on the show pretended to be his ex during a…
NANAY ni Eman Pacquiao Jr na si Joanna Bacosa LUMANTAD NA sa PUBLIKO Ang NAANAKAN ni Manny! (ch)
In a shocking turn of events that has caught the public by surprise, Joanna Bacosa, the mother of Eman Pacquiao Jr., has stepped forward to confirm her son’s paternity, publicly revealing that he is indeed the son of the boxing…
Maxene Magalona Accepts Her Half-Sister Gail Francesca; Gail Breaks Her Silence (ch)
In a heartwarming and emotional revelation, Maxene Magalona, actress and daughter of the late Filipino music icon Francis Magalona, has publicly accepted her half-sister, Gail Francesca Magalona. The news has garnered widespread attention as the two siblings, who had previously…
WATCH: Jhong Hilario Confirms His Past Relationship with Vice Ganda, Sparks Buzz Amidst Complicated Dynamics (ch)
In a shocking revelation that has sent waves through the entertainment industry, Jhong Hilario has confirmed his past romantic relationship with comedian and television personality Vice Ganda. The confirmation came during a candid moment on a popular talk show, leaving…
Tirso Cruz Reacts To Nora Aunor’s Revelation about Love for Him (ch)
Nora Aunor Revealed Tirso Cruz was Man She Fell Madly in Love w/ TIRSO CRUZ – The veteran actor and Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson reacted to the revelation of Superstar Nora Aunor about her love for…
Annabelle Rama Reacts to Richard Gutierrez’s New Girlfriend, Kazel Kinouchi: “I Don’t Agree”
In a dramatic turn of events, Annabelle Rama, the outspoken and fiery matriarch of the Gutierrez family, has made her stance clear regarding her son Richard Gutierrez’s new relationship with model and actress Kazel Kinouchi. The renowned celebrity mother, known…
End of content
No more pages to load