
Totoo kayang parang nagsisisi raw si Bea Alonzo (R) na nagpa-thanksgiving party siya para sa cast at crew ng Widows’ War? Dito kasi nagsimula ang sexual harassment issue sa pagitan nina Archie Alemania (2nd from L) at Rita Daniela (2nd from R).
PHOTO/S: @beaalonzo @missritadaniela on Instagram
GORGY RULA:
Ayon sa ilang taga-Widows’ War na napagtanungan ng PEP Troika, parang nagsisi raw si Bea Alonzo na nagpa-thanksgiving party pa siya para sa mga kasamahan niya sa kanilang drama series.

Bea Alonzo hosts the Widows’ War thanksgiving party
Photo/s: @beaalonzo on Instagram
Dahil iyon sa nangyaring gulo kina Archie Alemania at Rita Daniela na umabot pa sa demandahan.
Masaya lang daw kasi ang samahan nila at naging close na talaga silang lahat, kaya naisipan ni Bea na mag-host ng party para sa kanilang lahat.

The cast and crew of the Widow’s War series. Encircled are Rita Daniela and Archie Alemania.
Photo/s: @beaalonzo on Instagram
Ang huling pa-party pa raw na ginawa ni Bea ay noong pre-pandemic pa at wala pa siya noon sa GMA-7.
Sabi ng ilan pang napagtanungan namin, lasing na raw talaga si Archie at siguro nag-init siya nang dumating si Rita na napaka-sexy raw ng suot nang gabing iyun. Galing daw siya ng taping ng All-Out Sundays.
BEA, NA-OFFEND DIN SA PAMBABASTOS NI ARCHIE KAY RITA
Mismong si Bea raw ay na-offend sa mga sinabi ni Archie kay Rita, kaya kaagad daw niya itong pinagsabihan na huwag naman ganunin si Rita.
Pero nagtiwala pa rin daw si Rita na magpahatid kay Archie na nangulit na siya na ang maghatid dahil pareho lang daw pala silang taga-Cavite.
Pagkatapos ng insidenteng yun ay kaagad na ipinarating daw ni Rita ang nangyari sa GMA-7, at sinikap daw ng Sparkle na pag-ayusin silang dalawa.
Tinanggal na agad si Archie sa Widows’ War at kalaunan ay sinunod na rin si Rita.
Ang buong akala raw nila ay okay na kay Rita at nag-agree na itong hindi na siya maghahabla.
Kaya nagulat na lang daw ang mga taga-Sparkle nang nag-file na ito ng complaint sa Bacoor Prosecutor’s Office.
Sa ngayon ay wala nang show si Archie sa GMA-7, at ang duda ng karamihan, baka hindi na raw ito bibigyan ng show.
Si Rita naman ay sa All-Out Sundays na lang. Pero wala pang nakaalam kung mabibigyan pa ba siya ng isa pang programa pagkatapos siyang nawala sa Widows’ War.
Sa pagkakaalam daw niya ay babalik pa ang karakter niya sa naturang drama series.
Kaya lang, hindi na pala extended itong Widows’ War, at malapit nang matapos ang taping nito.
NOEL FERRER:
Sabi naman ng kampo ni Rita Daniela, pursigido raw talaga ang Kapuso actress na magsampa ng reklamo laban kay Archie Alemania.

Rita Daniela / Archie Alemania
Photo/s: @missritadaniela / @archiealemania Instagram
Sobrang na-trauma raw si Rita sa ginawa sa kanya ng aktor, dahil parang kuya raw ang turing niya rito.
Kaya natagalan daw bago siya nakapagsampa ng reklamo dahil nag-ipon pa raw ito ng gagastusin niya sa abogado.
May nakapagsabi ring nag-alok na raw ng damages kay Rita, pero tumanggi raw ang aktres.
Sabi ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, nakita raw niya talaga kay Rita na buo ang desisyong kasuhan si Archie.
Akala raw niya ay hindi na matutuloy dahil sa magastos ito, pero pinag-ipunan daw talaga ni Rita.
Sa ngayon ay ang All-Out Sundays na lang ang show ni Rita, pagkatapos siyang nawala na sa Widows’ War. Wala na siyang iba pang show sa Kapuso network.
Si Archie, naman ay wala nang show dahil matagal na rin siyang wala na sa Bubble Gang.
Kailangan nilang kumita para pantustos sa kasong ito sakaling umakyat ito sa korte.
Tingnan na lang natin kung ano ang kahahantungan ng reklamong ito na isinampa ni Rita laban kay Archie.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load