Kim, hindi naisip na magagawa ang pasabog na love scenes kina Paulo at JM
Napanood namin ang first two episodes ng bagong Kapamilya series na Linlang sa ginanap na screening/mediacon nitong Monday, Oct. 2, and we’d say na ito na yata ang most daring scenes ni Kim Chiu na napanood namin in her entire career.
Sa nasabing episodes pa lang ay pasabog na agad ang love scenes ni Kim sa dalawa niyang leading men na sina Paulo Avelino and JM de Guzman.
May matindi silang bed scenes ni Paulo na hindi namin akalaing magagawa ni Kim.
Kahit naman ang aktres ay aminadong hindi rin daw niya inakalang magagawa niya ang mga naturang eksena. “Parang ‘eto ‘yung role na hindi ko talaga maisip na gagawin ko siya in my whole acting career,” ani Kim.
“Pero ‘eto na tayo, nagawa na natin. So, sinusunod ko lang talaga ‘yung sinasabi ni direk dahil malaki ‘yung tiwala ko talaga sa mga direktor namin (FM Reyes and Jojo Saguin) dito sa Linlang,” dagdag niya.
Aminado naman si Kim na talagang kinabahan siyang gawin ang steamy scenes niya with Paulo pero gusto niya ring mag-grow as an actress.
“Sabi ko, ‘direk (FMR), gusto ko mag-grow, pero paano? Natatakot ako, kinakabahan ako.’ Tapos sabi niya, ‘magtiwala ka lang sa akin, akong bahala sa ‘yo,’” natatawang kwento ni Kim.
Nang gawin daw nila ang maiinit na eksena nila Paulo ay 2nd day taping pa lang nila at bale ba ay first time niya ring makatrabaho ang aktor.
“Aba, siyempre, sobrang tahimik siya (Paulo) na tao. First day pa lang, ‘paano ko kaya siya kukuwentuhan?’ Tapos, ‘di naman siya natatawa sa ‘kin. Paano ‘to?’
“Tapos, 2nd day, kinakabahan pa rin ako. Pero parang sige, A-game siya, so A-game rin ako,” kwento ni Kim.
Nagpapasalamat naman siya kay Paulo sa pag-alalay na ginawa sa kanya.
“Nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinapadali niya naman ‘yung mga bagay na kinakabahan ako. Everytime na nag-i-step ako sa set namin, sobrang kabado talaga ‘ko, kasi hindi ko talaga ‘to forte at hindi ko talaga ‘to comfort zone kaya hindi ako confident kung maayos ko ba siyang nagagawa at nade-deliver.
Puring-puri naman ni direk FM si Kim dahil seryoso raw talaga ang aktres sa craft niya dahil may notes pa raw ito kung saan ay sinusulat pa nito ang lahat ng movement nito sa story.
“And I’m so amazed. Superstar as she is, ganu’n siya ka-dedicated du’n sa trabaho niya,” papuri ni direk FM.
Ang Linlang ay isang mystery-thriller drama series under Dreamscape Entertainment at mapapanood worldwide sa Prime Video on Oct. 5. Kasama rin sa serye ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Maja at Kim, pinatunayang walang away
Viral ngayon sa social media ang larawan nina Maja Salvador at Kim Chiu na masayang nagyayakapan nang magkita sila sa ABS-CBN Ball 2023.
Ito ay pagpapatunay na walang samaan ng loob ang dalawa sa isyung hindi naimbitahan ni Maja si Kim sa kanyang kasal with Rambo Nuñez sa Bali.
Maging ang kani-kanilang fans ay natuwa na makitang all’s well sa pagitan ng magkaibigan.
“Maturity, moving on, both are blessed in their career, love life, life is too short to dwell on their past issue,” komento ng isang netizen.
“Andon na tayo sa nagkalamat ang friendship but people like them na masayahin, mababait at mukhang walang bitterness sa buhay possible na genuine ang pinapakita nila na at peace sila,” sey naman ng isang fan.
“If you’re both happy with your own lives, moving on from the hurt of the past is not hard to do,” komento naman ng isa pang social media user.
“Agree wala sila issue, normal na may magkakaibigan na nagkaka falling out, but look at them, mature and still talking despise of the past,” reaksyon ng isa pa.
News
‘Parang perya?’ Vice Ganda once thought ‘It’s Showtime’ wouldn’t last (uyen)
Unkabogable star Vice Ganda revealed that he once doubted the long-term success of the now-iconic noontime show ‘It’s Showtime. ‘Parang perya?’ Vice Ganda once thought ‘It’s Showtime’ wouldn’t last© Provided by LionhearTV Celebrating the show’s 15th anniversary, Vice recounted a surprising…
Liza Soberano and Enrique Gil’s Daughter Turns One: Heartwarming Surprises and Magical Moments You Can’t Miss! (uyen)
Liza Soberano and Enrique Gil have always kept their personal lives relatively private, but recently, a heartwarming moment captured their fans’ hearts: the first birthday celebration of their daughter. The couple, who have been in a relationship for several years,…
WATCH: Masaya ang pakiramdam ni Kris Aquino dahil sa pagbisita ni Kim Chiu, ang usapan tungkol sa mga nakaraang conflicts…(uyen)
PHOTOS: @krisaquino on Instagram & @markleviste on Facebook Sa latest Instagram post ni Kris Aquino isiniwalat n’yang maayos nang muli ang relasyon nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste at dahil umano iyon sa anak niyang si Bimbi. Si VG…
Karla Estrada’s Ex-Boyfriend Jam Ignacio Gets Engaged to His DJ Girlfriend! (uyen)
Karla Estrada’s former non-showbiz boyfriend Jam Ignacio is now engaged to marry his current girlfriend after four months of dating. On Instagram, Ignacio faintly shared the news of his engagement to disc jockey girlfriend Jellie Aw as he greeted her…
SHOCKING NEWS: Kim Chiu’s Father Speaks Out on Her Relationship with Paulo Avelino. (uyen)
In a recent interview, Kim Chiu’s father took the opportunity to share his thoughts on the budding relationship between his daughter and fellow actor Paulo Avelino. His remarks have sparked a wave of surprise and discussion among fans, highlighting the…
ACTUAL VIDEO ng PANGBABABOY ni Archie Alemania kay Rita Daniela HIMAS REHAS (uyen)
Isang kontrobersyal na usapin ang kasalukuyang hinaharap ng aktor na si Archie Alemania matapos siyang kasuhan ni Rita Daniela ng act of lasciviousness. Inilarawan ni Rita ang sakit at pang-aabuso na kanyang naranasan mula kay Archie, at ngayon ay lumalaban siya…
End of content
No more pages to load