Kim, mối liên kết của bạn với Paulo là gì?!

Ipinipilit ng ibang KimPau fans na isinama ni Paulo Avelino si Kim Chiu nang dalawin ng aktor si Aki, ang anak nila ni LJ Reyes, na based in New York. Naniniwala sila na ito ang kumuha ng photo ng mag-ama na nakatalikod at naglalakad sa ayon sa info ng isang fan, sa Northport Village Docks.

Ang patunay ng KimPau fans na magkasama ang dalawa nang bisitahin si Aki ay dahil nakitang sabay raw silang nag-check out sa hotel sa California kung saan naka-billet ang Kapamilya stars na kasama sa ASAP.

Dahil sa paniwalang si Kim ang kumuha ng picture ng mag-ama, ibig daw sabihin, nagkita na sina Kim at Aki. Gumana na nga ang advance theory ng  KimPau fans, sigurado raw na nag-click ang future mag-stepmom at masuwerte si Aki kung ganun.

May fans si Paulo na sinaway ang KimPau fans sa kanilang mga naiisip na theory, sana raw respetuhin ang time ng mag-ama. Hintayin daw nila na ang aktor ang mag-announce at ‘wag siyang pangunahan.

Anyway, may fans din si Paulo na kinontra ang comment ng isang netizen na nagkikita lang ang mag-ama tuwing may work sa US ang actor. Last year daw, bago mag-start ang classes ni Aki, binisita siya ni Paulo.

Gary at Angeli, tahimik ang 40 taon na pagsasama

Pagkatapos ng birthday ni Gary Valenciano, ang anniversary naman nila ng asawang si Angeli Pangilinan-Valenciano ang kanilang isinelebrayt. Nagpalitan ng anniversary greetings ang beautiful couple.

Sabi ni Gary, “Hon… it’s been quite a trip, quite a journey, quite a ride, quite a union, quite a partnership, quite a relationship, quite a marriage.

“We’re now 40yrs hon. Only by God’s grace have we lasted this long and only by His grace will we have many more years together. ‘Til death do us part. I know we didn’t prepare much for each other for this year but just being together… being with you, like being by the ocean this way, is what really really matters. I love you hon. Happy happy 40th anniversary to us.”

Ayon naman kay Angeli, “Life is fast and fleeting. And just like that, our marriage turned 40 and my husband Gary Valenciano is 60. Here in Southern California jetlagging and thinking of many things. I want to write my books already as there is so much to share about the stories behind his songs, stories about living for 40 years with a Type 1 diabetic who battled so many diseases and about our family and faith in Jesus Christ.”

Nag-throwback din si Angeli sa experience nila ni Gary as a married couple at kung paano sila namuhay at kung paano nagalit sa kanya ang dad niya. Naalis lang ang galit ng dad niya sa kanya nang ipanganak ang panganay nila ni Gary na si Paolo Valenciano, first apo ng mga Pangilinan, kaya tinanggap sila ng kanyang ama.

Masayang nag-celebrate ng birthday at anniversary ang Valenciano couple dahil magkakasama sila sa Amerika ngayon. Kasama nila ang mga anak na sina Paolo, Gab at Kiana, wife ni Paolo at dalawa nilang mga apo.

Speaking of Gary, in-announce na nito ang repeat ng kanyang Pure Energy: One More Time concert sa December. Magaganap ang two-night concert sa Smart Araneta Colisem sa Dec. 20 and 22, 2024. Pagbibigay ito sa maraming request na dalhin niya sa Big Dome ang concert. Sa Big Dome ginanap ang first major concert ni Gary.