
Kinalugdan ng mga netizen ang lalaking katutubong Mangyan, na nagtitiyagang mangalakal ng mga sirang tsinelas upang gawing laruan, at maipagpalit sa pera pambili ng kaniyang mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Sa Facebook post ng blogger na si “The Good Mangyan,” nakilala raw nila ang nabanggit na Mangyan na naglalako ng mga tinuyong gabi at laruang gawa sa tsinelas.
“Isang Katutubong Mangyan ang aming Nakilala habang siya ay naglalako ng kanyang panindang Tinuyo na Gabi at Laruan na gawa sa sa mga Lumang Tsinelas, aniya galing sya sa Tambakan ng Basurahan upang maghanap ng mga Lumang Tsinelas para makagawa siya ng kanyang mga Obrang Laruan na kanyang maipapalit sa Bigas,” mababasa sa post.
Tatlong oras daw ang inilalaan ng nabanggit na Mangyan sa paglalakad para makarating sa tambakan ng basurahan kung saan makukuha ang mga tsinelas na itinapon na.
“Sa kanyang kwento ay halos 3 oras siya naglalakad para makarating lamang sa Tambakan ng Basurahan, kasabay na din ang paglalako ng Tinuyong gabi na gawa ng kanyang Magulang upang may maipambili sila ng Bigas at may maipambaon sa Pagpasok ang kanyang mga Kapatid…” kuwento ng blogger.
Ngunit nakalulungkot daw na madalang lamang ang mga bumibili at nagkaka-interes sa kaniyang mga ipinagbibiling laruan.
.
Kaya naman, nanawagan ang mga netizen sa comment section na sana raw, suportahan ang mga kagaya ng nabanggit na Mangyan, na sa kabila ng hirap ng buhay ay lumalaban nang patas.
“makapag aral sana sya may talinto ang bata”
“Good job idol, God bless”
“Nakaka believe ang mga kapatid nating mangyan napaka malikhain ng isip Pwede ko bang bilhin mga gawa nya sir?”
“Galing naman po Niya. Naniniwala ako na may future siya. Masipag, mapagmahal sa magulang Kasi tumutulong sa magulang at Kapatid at may angking talino na Biyaya ng Diyos. Pagpalain ka at iTong vlogger.”
“saludo po ako sa creativity po ninyo kuya”
“sana may susuporta sa kanya deserve nya makapag aral ,kase nagpursigi”
“kahanga hanga ang tulad niya”
“Ang galing niya!”
“Very creative mind. Sana may mag-invest para sa kaniya, baka may mga kaya pa siyang gawin.”
Sa eksklusibong panayam ng Balita sa blogger, ang nabanggit na Mangyan ay nakilala nilang si Jupel Bato-Bato, 22-anyos.
Si Jupel ay naninirahan sa Dulangan, Baco, Oriental Mindoro, na mula sa tribong Alangan.
Hangad daw ng blogger na sana ay matulungan si Jupel na maitampok at maipagbili ang kaniyang mga obra maestra para makatulong sa kaniyang pamilya.
Nag-iwan din siya ng contact details ni Jupel kung sakaling may mga nagnanais na magpaabot ng tulong, mamuhunan, o bilhin ang kaniyang mga obra.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load