NEWS: Marian Rivera reveals scary things at age 40…/hi

Marian Rivera reveals what she’s grateful for at 40

Marian deglamorized in dream project, Balota

Marian Rivera
Marian Rivera on what continues to motivate her despite the many blessings that have come her way all throughout her prolific showbiz career. She says, “Actually, ang lahat naman ng ito ay ginagawa ko, and for sure ito rin ang sasabihin ni Dong, na para sa mga anak namin. Siguro bonus na lang para sa aming mag-asawa.”
Marian Rivera

Paano niya pinangangalagaan ang kanyang katawan at kalusugan?

Sagot ng aktres, “Siyempre diet talaga, lahat ng sobra para sa akin ay hindi maganda, pero lahat puwede kong subukan, huwag lang sosobra.

“So, sa pagkain, sa tine-take, and everything, lahat okay ako, maliban lang talaga huwag lang masyadong… alam mo yun, yung proper diet lang talaga.

“At medyo maarte talaga ako, healthy living kami sa bahay.”

Nakausap si Marian ng ilang piling miyembro ng media sa launch niya bilang Nekocee endorser sa Okada Manila Grand Ballroom sa Parañaque City noong Hulyo 19, 2024.

Paano ito nakaka-contribute sa pagiging full time mom niya? Paano niya nababalanse ang buhay niya bilang nanay at bilang celebrity?

“Well, lagi kong sinasabi yan, time management at alamin mo dapat talaga kung ano yung priority mo sa buhay,” wika ni Marian.

“Kasi pag alam mo yung priority mo, hindi ka mahihirapan kung ano yung uunahin mo at kung anong mas mahalaga sa iyo.”

MARIAN RIVERA ON TURNING 40

Naitanong naman kay Marian kung nabibilang pa ba niya ang mga napakarami niyang ineendorsong produkto?

Natawa si Marian bago sinabing, “Thank you Lord! Oo naman. Kapag nag-iisip ko nga iyan sinasabi ko, ‘Thank you Lord sa lahat ng blessings talaga.’

“Sobrang grateful ako sa anumang nangyayari sa buhay ko at forty this coming August.”

Mahirap paniwalaan na kuwarenta na nga si Marian sa Agosto. Naglalaro ba sa isip niya ang mga bagay-bagay tungkol sa pagiging kuwarenta anyos?

Aniya, “Okay lang, wala namang masama sa pagiging forty tapos may dalawang anak pa ako.”

At sa edad niya ngayon may mahihiling pa ba sa buhay ang isang Marian Rivera-Dantes?

Lahad niya, “Actually, ang lahat naman ng ito ay ginagawa ko, and for sure ito rin ang sasabihin ni Dong, na para sa mga anak namin. Siguro bonus na lang para sa aming mag-asawa.

“Pero bilang isang magulang, wala ka namang gusto at hangad mo sa mga anak mo na maging maganda ang buhay nila.”

MARIAN RIVERA ON DREAM PROJECT

Nabanggit na rin ni Marian na ang bago niyang pelikula na Balota ay isa rin sa mga katuparan ng mga nais niyang magawa sa buhay.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News