Chanda Romero, kasama sa apat na MMFF entries noong 1977
Chanda Romero, kinukuwestiyon ang pagiging prominente sa poster ng Espantaho.
Chanda Romero has a very long history with Metro Manila Film Festival since its beginning in 1975. In 1977, she made a record by having the most number of entries, four, that year. This 2024, the veteran actress makes a return via the horror film Espantaho.Nagsimula ang Metro Manila Film Festival bilang Metropolitan Film Festival noong Setyembre 21, 1975, kaugnay sa paggunita ng ikatlong anibersaryo sa deklarasyon ng martial law.
Iyong second edition ng MMFF ay tinawag namang 1976 Filipino Film Festival, at nalipat na sa Disyembre 25 ang umpisa.
FOUR MMFF 1977 MOVIES STARRING CHANDA ROMERO
Iyong third edition ay tinawag nang Metro Manila Film Festival, kung saan sa siyam na official entries ay kasama si Chanda Romero sa apat.
Nasa cast si Chanda ng MMFF 1977 entries na Babae… Ngayon at Kailanman ni Joey Gosiengfiao, Banta ng Kahapon ni National Artist Eddie Romero, Inay ni National Artist Lino Brocka, at Sa Piling ng mga Sugapa ni Gil Portes.
Read more about
Chanda Romero
movies
MMFF 1977
Iyon ang taon na humakot ng major awards ang controversial Burlesk Queen na pinagbidahan ni Vilma Santos, sa direksyon ni Celso Ad. Castillo.
Sa 50-year history ng MMFF, wala pang nakagawa ng record ni Chanda na markado ang papel sa apat na official entries sa isang edisyon lamang.
“I think, if memory serves… nagpa-raffle kung saan ako sasakay na float!” natatawang kuwento ni Chanda sa sa mediacon ng MMFF 2024 entry na Espantaho nitong Disyembre 9, 2024, Lunes, Sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.
Ang float na sinakyan niya ay iyong sa Sa Piling ng mga Sugapa.
“At least naman, kasi doon, halos ako lang din yung babae. Kasi, Bembol Roco yon, Mat Ranillo III,” pagbabalik-tanaw pa ng 71-anyos na aktres.
“So OK naman. Yung Babae… Ngayon at Kailanman, trilogy yun, e. Inay naman, ang bida dun is Alicia Vergel playing the title role. So mga anak, si Dindo [Fernandez], si Laurice [Guillen], ako, Ace Vergel…
At eto, trivia din. In the first edition of Metro Manila Film Festival, 1975, may entry ako.
“And I was nominated along Charito Solis and Pinky de Leon after two years lang in this business.
“Parang… halaaaa! Halaaaa!!! Na-nominate ako sa 1st Metropolitan Film Fest!”
Ang best actress ng 1st MMFF ay si Charito Solis para sa Araw-araw, Gabi-gabi.
Kasama si Chanda sa pelikulang Alat!, kung saan co-stars niya sina Tony Ferrer, George Estregan, at Suzanne Gonzales.
Hindi namin batid kung may pelikula nga ba si Pinky sa 1st MMFF.
FROM FIRST MMFF TO 50TH MMFF
Nakakatuwa na sa golden edition ng MMFF, kalahok pa rin si Chanda.
“Fifty years! Half a century, may entry ako. How blessed am I!” sambit pa ng beteranang aktres.
Ang horror film na Espantaho na idinirek ni Chito S. Roño, at prinodyus ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.
Nasa cast din ng Espantaho sina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Eugene Domingo, Janice de Belen, JC Santos, Mon Confiado, Tommy Abuel, Nico Antonio, Donna Cariaga, Kian Co, at Archi Adamos.
Sa poster ng Espantaho, may kumukuwestiyon kung bakit prominent ang mukha ni Chanda, kahilera sina Juday at Lorna.
Dapat daw, sina Juday at Lorna lang.
Pero ayun nga, nakabalandra rin ang mukha ni Chanda.
“Panoorin na lang nila para malaman nila yung sagot kung bakit,” mabining pagngiti ng beteranang aktres.
“Parang ano naman… wala ba akong karapatan? Di ba? Parang… ha?”
Masakit ba na may mga ganoong kumukuwestiyon?
“You know what, hindi. Kasi pag napanood nila, yun na ang sagot nila. I don’t have to answer it.
Matagal nang walang MMFF entry si Chanda. Bagung-bago ang pakiramdam niya sa Espantaho.
“It feels like my first Metropolitan filmfest entry. Kasi, bago lahat. Bago yung attack ng pelikula,” saad ni Chanda.
“At ngayon, digital na. Noon, nagbibilang ka, ‘Naku, sana, hindi ako magte-take 2!’
“Kasi, iiyak yung producer pag gumaganun yung film. Naririnig nung producer. ‘Sana, huwag akong ma-take 2, huwag akong ma-take 2!’”
Mahal kasi ang negatibo ng pelikula. Naaaksaya ang negatibo kung hindi agad makukuha ng artista ang hinihingi ng direktor sa eksena. Lumalaki ang gastos ng producer.
Dagdag ni Chanda, “It’s all new to me. At saka ano, iba yung… ahh my first time to work with Judy Ann.
“And I’ve been dreaming to work with her. Kasi never yet kaming nagkatrabaho.”
Kumustang katrabaho si Juday? “
Sa eksena namin, nanonood ako! Yung parang sabi ko, ‘Sandali lang, Chanda Romero, huwag kang manood! Gawin mo yung eksena mo! Ayusin mo yan!’”
Kaabang-abang talaga ang pagsasama ng mga acting greats at mga pinakaiginagalang natin sa larangan ng pelikula… kaya susuportahan natin ang Espantaho!
Naa-amaze pa si Chanda Romero sa co-stars samantalang sa mahigit limang dekada niya sa showbiz ay nakatrabaho niya ang maraming magagaling at sikat na artista at direktor?
“Yes, but each time… kasi, if you’re a true actor, you know what actors put into their work, e,” sabi ni Chanda.
“So each time talagang… you just… namamangha ka lang! You’re just amazed how they attack the role, at the same time, how humble they are.
“Yan yung Grandslam Actress, si Lorna din na nakatrabaho ko last time, Hanggang Kailan Kita Mamahalin? [1997]…
“So again, everything is new. Kasi this is like a decade and so many years after.
“But it’s nice to have a fresh pair of eyes each time you look at things.”
Bilang septuagenarian, mas may challenges na bilang artista?
“Aray! Septuagenarian… it sounded so French,” napangiwing sambit ni Chanda.
“Septua… at nakalimang dekada ako sa Metro Manila Film Fest! I don’t believe it! Parang I’m just so blessed…
“Good luck pala to all the entries! Ang sarap na buhay na buhay na uli ang Philippine movie industry. Nabuhay siya talaga uli.
“And I’m glad kasi you feel the excitement. You feel the competition. Meaning, na everybody’s eccited.”
Sa lengguwahe ng mga bading, ang ibig sabihin ng Chanda Romero ay “matanda” o “tiyan”…
Natawa si Chanda, “Ay, naku! Gusto ko yun! Flattered ako na nasa gay lingo ako, oo! Flattered na flattered ako, kasi I’m a fag hag really.
“Ako talaga, babaeng bakla!”