Alden Richards “Keeps His Mouth Close” Before KathNiel’s Breakup – The Truth Behind Is Even More Shocking…/hi

Alden Richards asked about KathNiel breakup, KathDen teamup

“Tatahimik na lang po ako sa isyu na yan.”Kathryn Bernardo and Alden Richards

Alden Richards says he’s not in a position to give an opinion on breakup of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.
PHOTO/S: @sparklegmaartistcenter / @bernardokath Instagram
Nagkatambal sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa itinuturing pa ring highest-grossing Filipino film na Hello, Love, Goodbye (2019).

Kaya hindi maiwasang tanungin si Alden sa pinag-uusapang breakup sa pagitan ni Kathryn at boyfriend of 11 years na si Daniel Padilla.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alden: Isa ba siya sa nagulat nang aminin nina Kathryn at Daniel na hiwalay na ang mga ito?

“Yes, opo naman, nagulat po ako,” sagot ni Alden.

Pero sinabi rin niya agad na hindi na siya magbibigay ng anumang pahayag pa.

“Uunahan ko na po kayo, hindi po ako magko-comment ng kahit na ano.

“Sa akin po, respeto ko na lang sa kanilang dalawa is just to keep quiet with this issue.

“Tingnan na lang po natin kung ano ang magiging turnout.

“Pero sa ngayon, they deserve the space that they need to go through,” pahayag ng Kapuso actor.

Sinabi ito ni Alden nang mainterbyu siya ng PEP.ph sa mediacon ng Family of Two (A Mother and Son Story), na ginanap noong Linggo, December 3, 2023.

May ibang fans ang humihirit na ang tambalang KathDen o Kathryn-Alden na lang daw. May mga comment din mula sa netizens na gustong magtambal muli ang KathDen.

Hiningan namin ng reaksiyon si Alden sa bagay na ito.

“Ayoko pa rin pong mag-comment,” ani Alden, na umiiwas sa isyu.

Marespetong sabi niya, “Pero baka galing din po yon sa Hello, Love, Goodbye, sa success ng film.

“And si Kath naman po and I are good friends. Kumbaga, we’ll never know po what the future holds.

“Pero yun nga po, medyo mainit po ang topic. Baka maisali po ako ulit, ako po ang ma-bash

“Ayoko na po nang naba-bash. Tatahimik na lang po ako sa isyu na yan.”

ON ALDEN FINDING LOVE

Sa kabilang banda, napag-usapan din ang love life ni Alden.

Sa mediacon ng Family of Two, na iprinodyus ng CineKo, sinabi ni Sharon Cuneta na anak na talaga ang turing niya kay Alden.

Mabilis na “yes” din ang sagot ng Megastar kung papasa sa kanyang “son-in-law” ang actor

Para naman kay Alden, hindi siya nagmamadali pagdating sa pagpasok sa relasyon.

“Opo, naniniwala po ako sa right timing talaga,” pahayag niya.

Hindi naman daw ibig sabihin na porke’t single siya ay hindi siya masaya.

“Hindi naman po yan na dahil sinasabi ng mga tao sa social media, sinasabi po ng iba na, ‘Tumatanda ka na, it’s about time na.’

“I don’t really see it as I am depriving myself or not having time for my personal life. I still have time for my personal life po. But on a different…

Dugtong ni Alden: “Iba kasi yong description ko ng personal life ko, e. Yung nasa bahay lang ako, naka-boxer shorts, tapos, T-shirt.

“Nakakapaglaro ako ng games ko. Nakakapunta ako sa gym, nakakapag-workout ako.

“I spend time with family, my dogs, I spend time abroad with them. So, yon po ang personal sa akin.”

ALDEN ON MMFF 2023 AND U.S. TRIP

Sa kabilang banda, lubos ang excitement ni Alden sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2023, kunsaan isa sa sampung entries ang Family of Two.

Dito raw sa bansa magpa-Pasko si Alden dahil abala pa siya sa promo ng Family of TwoPero may inilaan na rin daw siyang oras kasama ang pamilya.

At sa pagkakataong ito, matutupad na ang matagal niyang pangarap makasama ang buong pamilya sa pagbabakasyon sa Amerika.

Sa December 30 daw ang alis niya at sa January 14 na ang balik niya. Doon na rin ise-celebrate ni Alden ang kanyang 32nd birthday sa January 2.

“Medyo matagal po tayo,” nakangiting sabi ni Alden.

“Tapos sakto rin po na blessing. First time ng pamilya ko na pumasa sa U.S. visa. After four years of trying. Nandoon din po kasi ang kuya ko at ang kapatid ng tatay ko.”

Makakasama raw niyang lilipad papuntang U.S. ang tatay niya, dalawang kapatid niyang babae, at ang kanyang pinsan.

Ang lolo at lola naman niya ay makakasama raw nila sa Kapaskuhan.

“Sa Christmas po, after cinema tour, first Christmas po yata ito ulit na after ng pandemic that I will spend it with them.

“Kasi, parang these past holidays po ng pandemic, parang seldom lang po na nakakasama ko sila.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News