Sinabon ni Sharon Cuneta ang isa n’yang basher na nag-akusang sumisipsip s’ya kay Coco Martin para mapasali sa Batang Quiapo. Never umano s’yang nagpresenta para mapabilang sa anumang show. Ang partieipasyon niya umano sa FPJ’s Ang Probinsyano noon ay isang imbitasyon na kanyang malugod na pina-unlakan.

PHOTOS: @SharonCunetaOfficial on Facebook

 

Sinabon ni Sharon Cuneta ang isa n’yang basher na nag-akusang sumisipsip s’ya kay Coco Martin para mapasali sa Batang Quiapo. Never umano s’yang nagpresenta para mapabilang sa anumang show. Ang partieipasyon niya umano sa FPJ’s Ang Probinsyano noon ay isang imbitasyon na kanyang malugod na pina-unlakan.

Hindi nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta at sinagot n’ya ang isang basher matapos s’yang paratangan nitong sumisipsip sa actor-director na si Coco Martin.

Naganap ito sa isa sa mga Instagram posts ng aktres kahapon, May 28, patungkol kay Coco at sa girlfriend nitong si Julia Montes.

Belated appreciation post n’ya ito sa ginawang pag-amin nina Coco at Julia sa kanilang relasyon during the celebrity watch party ng collab-serye ng GMA-7, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart.

Masaya raw si Sharon sa pagsasapubliko ng CocoJuls couple sa kanilang relationship.

“Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!! [Face with tears of joy, folded hands, and three sparkling hearts emojis] Happy si Mommy ‘mysha! [Three smiling face with 3 hearts emojis],” panimula ng movie and OPM icon sa kanyang IG post.

Kalakip nito ang photo nina Coco at Julia na kinunan noong dumalo sila sa nabanggit na historical TV event.

“@montesjulia08 @cocomartin_ph P.S. I became close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’s Ang Probinsyano towards the end of 2021,” pagpapatuloy n’ya.

“Whatever they may have gone through together, well, it all seems to have been for the best because they are so good to and for each other. They are happy and that makes me and so many others happy.”

Suportado daw n’ya ang dalawa at hindi magbabago iyon.

“I love them both very much – and no matter what, my friends know that I am protective and loyal and supportive – and that certainly will not change!” pahayag n’ya.

Nag-suggest pa s’ya sa publiko na huwag nang magpaka-nega pa at maging masaya na lang rin sa mga taong nagmamahalan.

“I believe people should focus on what is and what will be rather than what was. Let’s all be happy with our own lives and be happy for them. [Folded hands and sparkling heart emojis]” pagtatapos n’ya na malamang ay tumutukoy sa ibinabatong bira ngayon kay Coco na umano’y grinoom nito ang noo’y teenager na si Julia.

Agree naman kay Sharon ang kanyang mga online followers at ang mga fans nina Coco and Julia, maliban sa isang basher na pinaratanggan pa si Megastar na sumisipsip kay Coco.

“@reallysharoncuneta ok sige..sipsip pa more baka sakaling isama ka ni Coco sa Batang Quiapo. [Face with tears of joy emoji]” walang pasintabing akusa ng basher kay Sharon.


 

Hindi naman ito pinalagpas ng aktres at sunod-sunod n’ya itong sinagot sa comment section.

“Excuse me? Saan planet ka lumaki?” tanong ni Sharon sa pangahas n’yang basher.

“May sarili akong mga trabaho. Busy ako,” dugtong pa n’ya.

Hindi umano s’ya nagpapalapad ng papel para mapasama sa show ni Coco. Katunayan, s’ya daw ang inimbita para mapabilang sa latter part ng FPJ’s Ang Probinsyano at hindi s’ya ang nagpresenta ng kanyang sarili.

“Ewan ko kung ilan pa kayong parang walang alam. Sa probinsyano ako ang inimbita di ako nagpresenta. Pag ako nagpresenta ng sarili ko, yun ay para makatulong hindi para matulungan,” paliwanag ni Sharon.

Hindi n’ya umano kailangang sumisipsip para magkaroon ng show dahil nakapila ang gagawin n’yang projects.

“Dalawa paparating kong teleserye at may movies ako. Lumagay ka sa tama. Sa lahat ng nakakainis sa aming mga artista yung wala nang alam bastos pa,” pagtatapos ni Sharon.

As of this writing ay hindi na sumagot pa ang basher ni Megastar.